Almoranas Signs: Mga Dapat Malaman

Almoranas Signs: Mga Dapat Malaman

Ang almoranas ay tinatawag ding hemorrhoid. Ito ay nangyayari kapag namamaga ang mga ugat sa puwit. Dahil dito, hirap dumumi ang isang tao kaya siya ay napipilitang umiri ng matindi. Ngunit paano nga ba malalaman kung may ganitong karamdaman? Importanteng malaman ang mga almoranas signs. Nang sa gayon, madali ring matutukoy ang mga karampatang lunas.

Maraming puwedeng maging sanhi ang hemorrhoid. Madalas, ito ay nararanasan ng isang indibidwal na dumaranas ng pagtitibi o constipation. Dahil dito, matigas dumi kaya hirap itong ilabas ng isang tao. Ang resulta, ito ay iniiri at di kalaunan, ay nagiging isa nang sakit na almoranas. Walang malinaw na sintomas ang sakit na ito pero maaaring maging mahapti o masakit sa pakiramdam habang dumudumi. Kapag napabayaan ang ganitong pakiramdam, pwedeng magdulot ng pagkabara ng mga namamagang ugat sa may butas ng puwit.

Ang almoranas ay may 4 na stages o levels na tinatawag na Grade 1, Grade 2, Grade 3 at Grade 4. Ang karamdaman ay tinuringing Grade 1 kung pagkatapos dumumi, ay may mararanasang pagdurugo. Grade 2 namang maituturing kung kabilang sa mga almuranas signs ang pagsungaw ng mga namamagang ugat habang dumudumi. Kapag naman kinakailangan nang itulak pabalik sa loob ng puwit ang namamagang ugat pagkatapos dumumi, ang almoranas ay nasa Grade 3 na. Pinakamalalang lebel nan g hemorrhoid ang Grade 4 dahil dito, ang isang tao ay makararanas na ng pagbara ng kaniyang mga ugat sa butas ng kaniyang puwit.

Mga almoranas signs na dapat tandaan

Kung hindi pa nararamdaman ang mga nabanggit na almoranas signs, huwag masyadong makampante. Tama! Huwag kang pakakasigurong hindi ka dadapuan ng sakit. Kaya naman hangga’t maaga pa, dapat malaman at tandaan ang mga senyales ng pagkakaroon ng ganitong karamdaman. Who knows? Isa o 2 sa mga ito ay nararamdaman mo na.

Unang-unang dapat tanaan ang pagdurugo. Ito ay mapapansin kapag namumula o may sariwang dugong nakahalo sa dumi. Ang ibig sabihin, ang pagdurugo ay nagmumulo sa ilalim na bahagi ng puwitan o tumbong. Ang dugong ito na nakakapit sa dumi ay ay nagmumula sa malalaki o maliliit na bituka. Ngunit hindi nangangahulugang ito ay galing sa almoranas. Sa pagdurugong ito, walang kirot o sakit na mararamdaman sa parte ng anal tissue. Subalit makararamdam na ng sobrang pananakit o pagkirot kung mayroon nang pamamaga sa ugat na lumalabas sa puwitan at ito ay naipiit.

May ilang mga taong sinusumpong ng almoranas ngunit walang ginagawa para magpagamot o lunasan ang sakit. Hinahayaan lamang nila ang makirot na pakiramdam at pamamaga ng mga ugat. Ayon sa maraming taong may ganiton nang sakit, kapag pinababayaan lamang ang sumpong ng kanilang sakit, unti-unti itong nawawala sa loob ng halos dalawang linggo. Karagdagan pa rito, ang ganitong sumpong ng sakit na almoranasy ay nangyayari lamang nang hanggang 2 beses sa buong buhay ng isang tao. Ang ibig sabihin, bihirang-bihira lamang kung ito ay maulit.

External at internal hemorrhoid

Ang almoranas ay may dalawang klase. Base sa mga pag-aaral, ang unang uri, ang external, ay matatagpuan sa labas ng butas ng puwit. Ito ay karaniwan nang nangyayari sa tao at hindi nagdudulot ng kahit na anong sintomas. Kapag ang uring ito ang dumapo sa tao, mas mainam na ito ay pabayaan na lamang. May mga panahong kapag dumapo ang external hemorrhoid sa isang pasyente, sya ay makakaramdam ng pangangati sa kaniyang puwit. Ang pangangating ito ay puwedeng magdulot ng pagpapapwis o kaya nama’y mga dumig nakakapit sa mga gitla na ng puwit.

Ang pangalawang klase ng almoranas ay tinatawag na internal. Ito ay yung pamamaga ng ugat na matatagpuan sa loob na bahagi ng tumbong. Makikita lamang ito kapag lumalabas ang namamagang ugat sa butas ng puwitan kadalasan, tuwing umiire at dumudumi. Ang ganitong klase ng almuranas ay puwedeng bumalik nang mag-isa sa loob ng puwit. Ngunit may mga panahong kailangan ding ibalik o itulak ito ng daliri.

Mga maling akala

Bagama’t may mga pag-aaral nang lumabas tungkol sa almoranas signs, marami pa ring mga taong nagkakaroon ng maling akala, paniniwala at gawain hinggil sa sakit na ito. Isa sa mga misconceptions na tinutukoy ang pag-aakalang ang almoranas ay ang bukod-tanging sakit na nararamdaman sa puwit. Kadalasan kapag may naramdaman nang iregularidad sa puwit ay napapagkamalan nang almoranas kahit na ito’y may knalaman na sa impeksiyon sa bituka, tissues o cander.

Pangalawa, ay ang pag-aakalang, ang almoranas ay maaaring lumala at maging isang uri ng kanser. Bagama’t may matinding sakit na nararamdaman sa sakit na ito, ang almoranasy ay hindi delikado sa buhay ng tao. Hindi rin ito kumaalat kahit na posibleng ito ay namamana. Kabilang na rin sa maling akala ang laser ay isang paraan ng paggamot ng almoranas. Bukod sa ito ay mahal, ang laser ay hind pangkaraniwang ginanagamit para sa operasyon para gumaling ang almoranas.

Mga dapat gawin para hindi maranasan ang mga senyales ng almoranas

Kung isa ka sa mga natatakot makaranas ng kahit alin sa mga almoranas signs na nabasa mo rito, fear no more. May mga bagay na puwedeng gawin para hindi na maranasan pa ang mga nasabing senyales. Kailangang umaksyon na kaagad para maagapan ang kahit anong sakit. Hindi kailangang gumastos ng malakai para sa mga preventive measures.

Kadalasan, ang mga pamamaraan ay kaya nang gawin nang walang tulong ng doktor. Maari ring ang remedyo ay mangyari sa loob ng bahay lamang. Narito ang ilan sa mga dapat gawin:

  1. Kumain nang regular ng mga pagkain, prutas at gulay na sagana sa fober o hibla.
  2. Uminom ng bulk fiber o syllium para sa mas madaling pagdumi.
  3. Mainam na pangunahing lunas ng almuranas signs ang pamahid na gamot na nabibili sa botika.
  4. May uri ng almoranas na hindi nangangailangan ng operasyon ngunit kakailanganin ng injectable. Isang halimbawa ay injection sclerotherapy. Ito ay ligtas gawin basta isang espesiyalista ang gagawa ng paraan.

Modernong pamamaraan

Sa panahon ngayon, may mga makabago ring lunas ang almoranas. Ito ay dahil sa, ang pag-oopera ng sakit ay nagkakaroon ng impresiyon na isa sa pinaka-masakit na pamamaraan ang makabagong lunas, ay naka-focus ngayon sa paggamit ng technology na makapagbabawas man lang sa sakit na dulot ng operasyon. Isa sa mga modernong pamamaraan ang stapled hemorrhoidectomy. Sa prosesong ito, ang mga eksperto ay gumagamit ng isang stapler bilang instrument.

Sa pamamagitan nito, pagkatapos tanggalin ang almoranas, inaayos naman ang loob na bahagi ng tumbong gamit ang stapler. Mahirap itong gawin sa mga ordinaryong operasyon. Walang makikitang sugat sa labas kaya naman talagang napatunayan nang hindi ito ganoong kasakit. Bagama’t mas hindi masakit, kumpara sa ibang proseso ng pagpapagaling ng almoranas, sa modernong pamamaraan na ito, may posibilidad na maulit ang naturang karamdaman.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Almoranas Signs: Mga Dapat Malaman
Rate this post

KATULAD NA MGA ARTIKULO