Almoranas Cause: Ano ba Ang Mga Pangunahing Sanhi ng Almoranas?

Gusto mo bang malaman kung bakit mayroon kang almoranas? Alam mo bang katulad mo, napakarami pang mga tao ang pinapahirapan ng isang common na sakit na ito? Para matulongan ka sa iyong problema, nasusulat sa artikulong ito ang mga iba’t ibang sanhi ng pagkakaroon ng almoranas. Gusto mong maiwasan ito? Magpatuloy lamang sa pagbabasa mo!

Dalawang uri ng almoranas o hemorrhoid

Ang almoranas o hemorrhoids ay ang pamamaga ng mga ugat sa tumbong at rectum sa puwet. Ang rectum ay ang pinakadulong parte ng large intestine o bituka papalabas sa anus o tumbong. Ang anus ay ang pinakadulo ng digestive tract kung saan lumalabas ang dumi o tae (toxins) ng isang tao.

Ang almoranas ay maaaring mangyari sa loob ng rectum, ito ay tinatawag na internal hemorrhoid. Mayroon namang almoranas na sa labas matatagpuan at tinatawag itong external hemorrhoid. Ang dalawang kategoryang ito ng almoranas ay kailangan mong maintindihan bago isagawa ang gamotan.

Katulad ng ipinangako ko, ituturo ko sa iyo ang iba’t ibang almoranas cause upang maiwasan mo ang mga ito. Pag usapan natin ito!

Almoranas cause: Pregnancy o pagbubuntis

Ang pagbubuntis ba ay isang almoranas cause? Opo! Ito ang lumabas sa pag-aaral ng isang malaking grupo ng mga eksperto. Ayon sa kanila, ang mga buntis ay mayroong mataas na risk sa pagkakaroon ng almoranas. Nangyayari ito dahil sa pressure o bigat ng uterus na nailalagay sa mga ugat nito. Gayunpaman, hindi ibig sabihin nito na lahat ng nagbubuntis ay magkaka almoranas, sa katanuyan, sa pagkakaalam ko, bihira lamang ang mga buntis na dumaranas nito.

Ang tanong, paano maaiiwasan ng mga buntis ang pagkakaroon ng almoranas o hemorrhoid? Mas makakabuti para sa mga buntis ang magkaroon ng wastong diet, mga pagkaing naaangkop sa maselan na kondisyon na dala ng pagbubuntis. Makakatulong ito upang maging malakas ang resestensiya ng buntis, ng sa ganun ay makaiwas sa mga sakit katulad na lamang ng almoranas.

Mas makakabuti rin ang regular na pag bisita sa doktor, upang masuri at masubaybayan ang kondisyon ng buntis.

Narito ang ilan pa sa mga huwag dapat gawin ng isang nagbubuntis, para makaiwas sa pagkakaroon ng almoranas:

  • Kapag buntis, iwasan ang matagal na pagupo sa inidoro para hindi ma puwersa ang uterus.
  • Huwag puwersahin ang pag iri lalo kapag buntis. Maari mamaga ang mga ugat ng rectum, at pagmulan ng almoranas.
  • Matulog ng nakatihaya o tagilid at iwasang mahiga gamit ang iyong likod. Makakatulong ito para mapagaan ang presyon o bigat ng uterus na maaaring magpamaga sa mga ugat ng rectum.
  • Paminsan minsan ay maligo ng maligamgam na tubig. Magbabad ng kahit sampo hanggang labing limang minuto para sa mas epektibong solusyon.
  • Isagawa ang kegel exercise. Hindi lang ito makakatulong sa panganganak mo, makakaiwas ka rin sa pagkakaroon ng almoranas.


Almoranas cause: Diarrhea o pagtatae at iba pang sanhi ng almoranas

Ang diarrhea o pagtatae ay isa ring karaniwang sakit ng mga tao. Kadalasan itong nakukuha sa mga maruming pagkain, inumin na tubig, at maruming kapaligiran. Pero, alam mo ba na ang simpleng pagtatae ay maaaring mauwi sa almoranas? Bakit kaya? Ayon sa mga doktor, ang madalas na pagdumi na sanhi ng diarrhea ay nagiging dahilan ng pagkabugbog ng anus o tumbong, dahil sa paulit-ulit na pag iri at pagtatae.

Kung kaya, ipinapayo ng mga doktor na kung mayroon kang diarrhea at gusto mong makaiwas sa pagkakaroon ng almoranas, gawin mo ang mga sumusunod na ito:

  • Alamin kaagad kung ano ang naging sanhi ng diarrhea, at gamutin ito! Huwag hayaang tumagal dahil maaaring mauwi sa iba’t ibang komplikasyon katulad na lamang ng almoranas.
  • Uminom ng malinis at maraming tubig para malinisan ang bituka.
  • Hugasang mabuti ang anus o tumbong matapos tumae, upang makaiwas sa impeksyon na pwedeng pagmulan ng almoranas.
  • Magpatingin sa doktor kung kinakailangan.

Ano- ano pa ba ang mga posibleng sanhi ng almoranas? Upang makatulong sa iyo ng mas higit pa, Narito ang ilan pa sa mga posibleng dahilan kung bakit mayroon may almoranas ka. Tandaan: ang ilan sa mga sanhing ito ay mga simple lamang, ngunit ang ilan naman ay delikado at kinakailangang matingnan ng doktor upang maaagapan.

Almoranas cause? Narito ang ilan pa sa dapat mong bantayan:

  • Lack of exercise. Kakulangan sa pag eehersisyo
  • Low fiber diet. Kulang sa fiber ang katawan.
  • Obesity o sobrang pagtaba. (over weight)
  • Matagal na pagupo sa toilet bowl.
  • Pagbubuhat ng mabigat at sobrang pag iri.
  • Anal intercourse

Narito naman ang ilan sa posibleng sanhi ng almoranas na dapat matingnan ng doktor upang maagapan. Hindi mawala-wala ang almoranas mo? Baka mayroon ka ng malalang sakit kagaya ng mga ito:

  • Colon cancer o kanser sa bituka.
  • Iba’t ibang liver diseases, katulad ng liver cancer o kanser sa atay.
  • Spinal cord injury.

Almoranas cause: Infrequent bowel movements o hindi regular na pag dumi

Ang infrequent bowel movements o mas kilala sa tawag na constipation ay isa sa pangunahing sanhi ng pagkakaroon ng almoranas. Bakit nga ba? Alam mo bang habang naiipon ang dumi sa iyong bituka ay bumabara ito sa loob ng iyong rectum? Kapag nangyari ito, mahihirapan ka sa iyong pagdumi, at kadalasan ang tae mo ay matigas at may kasamang dugo.

Kapag sobra at madiing masyado ang pag iri sanhi ng naipong tae na nakabara sa dulo ng bituka, pinagmumulan ito ng almoranas. Lalong lalala ang kondisyon nito sa tuwing magtatae ka dahil nga barado ang rectum at mahihirapan ang anus o tumbong mo na palabasin ang dumi.

Kaya ang tanong, paano ba magkaroon ng regular na pag dumi ng sa ganun ay maiwasan mo ang almoranas? Ito ang mga dapat mong gawin:

  • Kumain ng maraming gulay at prutas na mayaman sa fiber.
  • Regular na mag ehersisyo araw-araw para bumilis ang metabolismo ng katawan mo.
  • Uminom ng walo hanggang sampong baso ng tubig araw-araw.
  • Bawasan ang pakain ng mga karne.

Pakatandaan lamang, alin man sa mga sanhing ito ang dahilan ng pagkakaroon mo ng almoranas, laging isaisip na sa huli, ang almoranas ay sakit pa rin na kailangan gamutin. Gawing gabay ang mga naibigay kong tips para makatulong sa pagkompirma kung ano ang tunay na sanhi ng almoranas mo.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Almoranas Cause: Ano ba Ang Mga Pangunahing Sanhi ng Almoranas?
Rate this post

KATULAD NA MGA ARTIKULO