Cure for Almoranas: Ano ba ang Epektibong Lunas Para sa Almoranas?

Cure for Almoranas: Ano ba ang Epektibong Lunas Para sa Almoranas?

Namomroblema ka ba sa tuwing tinatawagan ka ng kalikasan? Isa ito sa pangunahing problema ng isang taong namamaga ang tumbong ng puwet dahil sa almoranas. Isa ka ba sa kanila? Makakatulong sa iyo ang artikulong ito! Sa pagbabasa nito, malalaman mo ang mga mahahalagang impormasyon patungkol sa cure for almoranas, at ituturo ko sa iyo ang mga dapat mong gawin para maiwasan ang pagkakaroon nito.

Ang almoranas o hemorrhoids ay ang pamamaga ng mga ugat sa tumbong at rectum sa puwet. Ang rectum ay ang pinakadulong parte ng large intestine o bituka papalabas sa anus o tumbong. Ang anus ay ang pinakadulo ng digestive tract kung saan lumalabas ang dumi o tae (toxins) ng isang tao.

Dahil sa almoranas, lumalaki ang mga ugat o veins sa anus at nagiging sanhi nito ang pamamaga, pagkabanat, at pag nipis ng balat sa anus, at pananakit sa tuwing magtatae. Ang almoranas ay nahahati sa dalawang kategorya:

  • Panloob (internal) pamamaga ng rectum.
  • Panlabas (external) pamamaga ng tumbong o anus.

Nanaisin mo bang magkaroon nito? Kaibigan, kailangan malaman mo ang iba’t ibang paraan para maiwasan ang pagkakaroon ng almoranas. Magpatuloy lamang sa pagbabasa mo!

Iba’t ibang paraan para makaiwas sa pagkakaroon ng almoranas

Cure for almoranas ba ang hinahanap mo? Bago natin ito talakayin, lagi nating isaisip na prevention is better than cure! Kaya naman naghanda ako ng mga tips na makakatulong sa iyo para maiwasan mo ang pagkakaroon ng almoranas.

Kagaya ng sabi ko, ang almoranas ay isang common na sakit sa mga tao, madalas ito sa mga kalalakihan na may edad na 50 years old pataas. Pero, hindi ibig sabihin nito na hahayaan mo na lamang na magkaroon ka nito. Alam mo bang merong mga paraan para makaiwas sa pagkakaroon ng almoranas? Sundin lamang ang mga sumusunod na ito:

  • Kumain ng maraming fiber. Ang pinaka madaling paraan para maiwasan ang pagkakaroon ng almoranas ay ang kumain ng mga pagkaing mayaman sa fiber. Alam mo bang madalas tamaan ng almoranas ang mga taong may problema sa pagtae o infrequent bowel movements?
  • Mag ehersisyo araw-araw! “Exercise helps keep the colon more regular,” Opo! ito ang sabi ng isang doktor. Gayunpaman, iwasan sa pag ehersisyo ang pag bubuhat ng mabigat o weight lifting, dahil posible itong pagmulan ng almoranas.
  • Ugaliin ang paginom ng maraming tubig. Ang paginom ng maraming tubig ay isang mabisang paraan para maiwasan ang constipation. Ang constipation ay isang uri infrequent bowel movements, isang dahilan ng pagkakaroon ng almoranas.
  • Huwag na huwag titiisin o pipigilan ang pag dumi. “Go when you gotta go!“wika nga sa ingles, marami ang posibleng maging masamang epekto ng pagpipigil sa pag dumi. At isa na riyan ang almoranas. Kaya naman kapag kalikasan mismo ang tumawag, huwag na huwag itong isnabin!
  • Iwasan ang sobra at madiing pag iri. Ang sobra at madiing pag iri habang dumudumi ay naglalagay ng maraming pressure sa iyong rectum, kaya nagsisimula ang pamamaga at nauuwi sa almoranas. Karaniwang nangyayari ito sa mga taong madalas magbuhat ng mabigat, nanganganak, at may problema sa pagdumi.

Cure for almoranas: Natural na gamot o lunas sa almoranas

Ugali ng mga pinoy ang manaliksik at sumubok na iba’t ibang bagay. Kaya naman kung pinoy ka at may almoranas ka, kailangan mong malaman ang mga ito! Ano ba ang tinutukoy ko? Kung naghahanap ka ng mabisa at epektibong gamot para sa iyong almoranas, ituturo ko sa iyo ang mga natural na pamamaraan para mawala ng mabilis ang iyong almoranas. Gawin lamang ang mga sumusunod!

Warm baths – Ang pag upo sa isang palangganang tubig na may katamtamang init, ang isa sa pinaka madaling lunas para sa almoranas. Nakakatulong ang paraang ito sa pagkontrol ng pamamaga at pananakit ng tumbong sa tuwing dudumi.

Coconut oil – Ang langis na galing sa niyog ay isang natural na moisturizer. Makakatulong ang paglagay ng coconut oil sa mismong anus sa pamamaga at iritasyon na dulot ng almoranas. Nakakatulong rin ito na mabawasan ang pangangati ng balat ng anus.

Aloe vera – Ang aloe vera ay ginagamit ng iba’t ibang kultura bilang gamot sa maraming uri ng sakit. At kabilang diyan ang almoranas. Ayon sa pag-aaral ng BioMed Research International, Ang aloe vera ay may natural na anti-inflamatory effect sa katawan ng tao na nakakatulong sa pagpapagaling ng mga sugat.

Ice packs – Ang pag apply ng yelo sa almoranas ay nakakatulong upang bawasan ang pamamaga at pananakit nito. Ibalot lamang ang isang maliit na piraso ng yelo sa malinis na tela, at ilagay ito sa almoranas sa loob ng 15 minutes.

Ang mga paraang ito ay napatunayan ng mabisa at ligtas gamitin. Sundin lamang ang mga nabanggit at tinitiyak ko sa iyo na gagaling kaagad ang almoranas mo!

Cure for almoranas: Mga nabibiling mabisang gamot sa almoranas

Sa maraming kaso, may mga kondisyon ng almoranas na hindi na kaya ang simpleng gamotan, katulad na lamang ng mga nabanggit sa itaas.

Alam mo bang mayroong mga iniinom na gamot ang mabisang lunas sa almoranas? Mayroon din namang mga cream at ointment na ina-apply sa mismong almoranas na makakatulong sa mabilis na pagaling nito. Kaya lamang, ang ganitong paraan ay nangangailangan ng payo ng isang dalubhasa, at kung minsan, rekomendado ang isang reseta ng doktor kapag bibili ng mga ganitong klaseng gamot. Layon nito na maiwasan ang pagkakaroon ng side effects, lalo’t higit, maselang parte ng katawan ang pagagamitan.

Ang mga gamot na pwedeng inumin katulad ng Nonsteroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDs), ay nakakatulong sa paglimita ng pamamaga at pananakit ng almoranas. Ang acetaminophen at ibuprofen ay isang halimbawa ng nasabing gamot. Maari ring subukan ang pag-inom ng pain reliever, kung hindi kayang tiisin ang pananakit. Katulad ng ibang gamot, mas makakabuti ang magpareseta sa isang doktor para mabigyan ng mas naangkop na gamot para sa iyo.

Ang sakit na ito ay simple lamang kung ating ituring, gayunpaman, maaari itong lumala at umabot sa kondisyong hindi natin inaasahan, lalo kapag ito ay napabayaan. Sundin lamang ng mabuti ang mga itinuro ng artikulong ito at tinitiyak ko sa iyo na hindi ka magsisisi sa pagbasa nito.

KATULAD NA MGA ARTIKULO