Almoranas Cure: Ano Ang Mabisang Gamot sa Almoranas?

Pinahihirapan ka ba ng iyong almoranas? Naghahanap ka ba ng isang mabisang gamot sa almoranas? Kaibigan, natagpuan mo na ang hinahanap mo! Sa artikulong ito, pag-uusapan natin at ituturo ko sa iyo ang iba’t ibang mabisang gamot sa almoranas o almoranas cure.

Ano ang almoranas o hemorrhoids?

Almoranas cure? Bago natin talakayin ito, alamin muna natin kung ano ang almoranas (hemorrhoids o piles) sa ingles.

Ano ang almoranas? Ito’y mga ugat at laman na lumalabas sa puwit. May mga ugat sa loob ng puwit, at sa katagalang pag-iire, puwede itong lumalabas, maipit at dumugo.

Ang almoranas, ay isang common na sakit para sa mga lalaki, lalo na sa mga mahihilig kumain ng maaanghang na pagkain o spicy foods. Kahit nga sinasabi na ang maanghang na pagkain ay hindi naman talaga isang sanhi ng almoranas, ngunit ang pagkain ng maraming spicy foods ay maaaring makapagpalala sa pamamaga ng almoranas mo.

Alam mo bang napakaraming tao ang may almoranas? Ayon sa pag-aaral, ang mga taong 50 years old pataas, 50% sa kanila ang mayroong almoranas. Ang tanong, paano ba maiiwasan ito? Mayroon bang paraan na dapat gawin para maiwasan ang pagkakaroon ng almoranas?

Anim na paraan para maiwasan ang pagkakaroon ng almoranas

Ngayong alam mo na ang mga impormasyon tungkol sa almoranas, gugustuhin mo bang magkaroon nito? Kaya nama ang tanong ng marami, paano ba makakaiwas sa almoranas? Ito ang mga dapat mong bantayan:

  1. Kumain ng maraming friber – Kadalasan sa mga taong tinatamaan almoranas ay ang mga may problema sa pag dumi o (infrequent bowel movements.) Kaya naman, ang pinaka madaling paraan para maiwasan ang pagkakaroon ng almoranas ay ang consume ng mga pagkaing mayaman sa fiber katulad ng mga ito:
    • Mga gulay, katulad ng artichoke, green peas, broccoli, and Brussels sprouts
    • Prutas, katulad ng raspberries, pears, apples, and bananas
  2. Uminom ng maraming tubig – Ang paginom ng maraming tubig ay isang mabisang paraan para maiwasan ang constipation. Ang constipation ay isang dahilan ng pagkakaroon ng almoranas.
  3. Ugaliin ang pag ehersisyo – “Exercise helps keep the colon more regular,” Opo! ito ang sabi ng isang doktor. Gayunpaman, iwasan sa pag ehersisyo ang pag buhat ng mabigat o weight lifting, dahil posible itong pagmulan ng almoranas.
  4. Mag-ingat sa paginom ng mga laxatives – Ang paginom ng mga fiber supplements partikular na ang psyllium capsules, ay napatunayan ng mabisang paraan para makaiwas sa pagkakaroon ng almoranas. Gayunpaman, katulad ng iba pang laxatives, maging maingat sa pagpili ng iinuming supplements.
  5. Huwag pigilan ang pagdumi – Marami ang posibleng maging masamang epekto ng pagpipigil sa pag dumi. At isa na riyan ang almoranas. Kaya naman kapag kalikasan mismo ang tumawag, huwag na huwag itong isnabin!
  6. Iwasan ang sobrang pag iri – Ang sobra at madiing pag iri habang dumudumi ay naglalagay ng maraming pressure sa iyong rectum, kaya nagsisimula ang pamamaga at nauuwi sa almoranas. Karaniwang nangyayari ito sa mga taong madalas magbuhat ng mabigat, nanganganak, at may problema sa pagdumi.

Gusto mo na bang matapos ang paghihirap mo dahil sa almoranas? Talakayin na natin ang iba’t ibang almoranas cure! Magpatuloy lamang sa pagbabasa mo.

Almoranas cure: Paraan ng pagamot ng almoranas sa bahay (home remedy)

Ang home remedy na ituturo ko sa iyo ay isang napaka epektibo paraan ng pagamot sa almoranas. Subukan mo lamang ito, at huwag kang mag-alala! Wala kang dapat ikahiya dahil sa marami na ang sumubok ng almoranas cure na ito:

  • Kumuha ng isang palanggana at buhusan ng mainit na tubig. Haluan ito ng malamig na tubig hanggang sa bumaba ng kaunti ang temperatura nito. Tandaan: Kailangan maging sapat ang init ng tubig, ngunit alalahanin rin na dapat hindi ito makapaso sa iyong balat.
  • Maupo sa ibabaw ng palanggana, kailangan dapat naka-expose ang iyong puwet sa mismong bunganga ng palanggana na mayroong mainit na tubig. Maupo sa loob ng 5 minutes.
  • Huwag pupunasan ng kung ano mang bagay, katulad ng tela o damit ang puwet matapos maupo sa palanggana.
  • Gawin ang paraang ito tatlong beses sa isang linggo. Pagkatapos, mapapansin mo na unti-unti ng mawawala ang pamamaga nito.
  • Kumuha ng isang maliit na piraso ng yelo na nakabalot sa malinis na tela. Maglagay nito sa tumbong ng padampi-dampi, ilang beses sa isang araw. Makakatulong ito sa pagbawas ng pamamaga ng tumbong dahil sa almoranas.
  • Magbabad sa bathtub o malaking palanggana. Punuin ng mga isang dangkal na maligamgam na tubig ang bathtub. Umupo sa bathtub na nakataas ang iyong tuhod.


Almoranas cure: Halamang gamot para sa almoranas!

Kung naghahanap ka ng mabisa at ligtas na paraan para mawala ang almoranas mo, subukan mo ang mga halamang gamot na ito:

  • Patola – Pumitas ng 20 na dahon ng patola. Pagkatapos, hugasan at tadtarin ito. Pakuluan ang tinadtad na dahon ng patola sa dalawang galon ng tubig, salain ito pagkatapos. Gawin itong pampaligo at panghugas sa puwet na may almoranas.
  • Bayabas – Magpakulo sa loob ng sampong minuto ng tatlong tasang tinadtad na dahon ng bayabas sa dalawang galon ng tubig. Salain ito pagkatapos. Gawin itong panlinis at panghugas sa namamagang tumbong.
  • Ampalaya – Maghugas at magtadtad ng mga ugat, bunga, at buto ng ampalaya. Kumuha ng ½ tasa nito at katasin. Haluan ng dalawang kutsarang langis ang katas. Basain ang bulak ng pinaghalong katas at langis at ipahid sa almoranas pagkatapos ng paligo.

Almoranas cure: Magpatingin sa isang doktor at huwag isa walang bahala!

Kagaya ng mga tinalakay natin, ang almoranas ay isang common na sakit na mayroong maraming iba’t ibang paraan ng pagamot. Ang problema, merong mga kaso ng almoranas na lumalala lalo na kapag napapabayaan. Dito nangyayari ang pagpasok ng bakterya dahil sa hindi wastong pangangalaga ng katawan. Dagdag pa riyan ang patuloy na pagkain ng mga iba’t ibang spicy foods. Kaya ang nagiging resulta, lumalala ang kondisyon ng almoranas.

Ang tanong, naisagawa mo ba ng maayos ang mga itinuro kong gamot at paraan para mawala ang almoranas? Pero bakit hindi pa rin maalis ang almoranas mo? Kaibigan, baka kailangan mo ng magpatingin sa doktor! Ang paraang ito ang pinaka mabisa sa lahat kung malala na ang kondisyon ng pasyente. Maaari kang bigyan ng doktor ng mga cream na pampahid, at maaari ring isagawa ang isang operasyon kung kinakailangan.

Ang almoranas ay isa lamang simpleng sakit. Gayunpaman, anumang uri ng sakit ay kailangan gamutin kaagad at huwag isa walang bahala.

KATULAD NA MGA ARTIKULO