Gamot sa Almoranas: Paano Malulunasan Ang Almoranas?

Gamot sa Almoranas: Paano Malulunasan Ang Almoranas?

Ang pinakamabisang gamot ng almoranas ay maari mong gawin sa loob lamang ng iyong bahay. Mababasa mo sa artikulong ito ang mga pamamaraan upang maiwasan ang almoranas at hindi na lumala ito.

Aloe Vera: Natural na lunas sa almoranas

Ayon sa Cleveland Clinic ang aloe vera ay may anti-inflamatory properties na talagang epektibo sa mga namamagang kondisyon ng balat. Maari kang makakuha ng aloe vera sa mismong tinataniman nito. Maari ka ring makabili ng aloe vera gel sa mga drugstores. Pero ang kailangan mo lamang ay ang purong aloe vera gel sa iyong almoranas. May mga tao naman na allergic sa aloe vera kaya maaring subukan ito at hintayin kung ano ang magiging resulta. Kung may makita kang kakaibang reaksyon pagkatapos mong mag lagay ng aloe vera, maari mong itigil ang pag gamit nito.

Maligo ng maligamgam na tubig kung may almoranas

Makakatulong sa iyo ang palagiang pagpapaligo ng maligamgam na tubig upang maiwasan ang pagkairita ng iyong almoranas. Maari mong gamitin ang sitz bath. Ito ay isang maliit na plastic tub na maaring magkasya sa loob ng toilet. Maaari mong ibabad ang iyong buong katawan sa tub na ito. Ayon sa Harvard Health ang pagpapaligo ng 20 minutes after every bowel movement ay talagang epektibo para maibsan ang sakit na dulot ng almoranas. Lagyan ng Epsom salt ang maligamgam na tubig na iyong papaliguan. Makakatulong ito na mas madaling maghilom ang iyong almoranas.

Over the counter ointments: Sagot kung paano malulunasan ang almoranas

Marami kang mabibili na mga over the counter ointments gaya ng mga creams, Preparation H sa halos lahat ng drugs store maari itong makabigay ng madaliang lunas. Ang ibat-ibang mga ointment at creams ay nakakatulong na mabawasan ang pamamaga at nakapag papabilis ng pag hilom ng iyong almoranas. Kung gumagamit ka ng cream na may hydrocortisone, huwag gumamit ng lampas sa isang lingo. Maari itong mag dulot ng impeksyon at makakasama ito sa kalusugan mo.

Wipes para sa almoranas

Ang pag gamit ng toilet paper pagkatapos ng pag dumi ay maaring makapagpalala ng iyong almoranas sa halip na toilet paper maari mong gamitin ang wipes. Ang pag gamit ng wipes ay makakatulong upang mapanatili mo ang kalinisan sa maselang parte ng iyong katawan. Maari mo ring lagyan ng anti-hemorrhoid ingredients gaya ng witch hazel o aloe vera ang iyong wipes. Siguraduhing walang alcohol, perfume o iba pang mga pwedeng makairita ang wipes na gagamitin mo ang mga substansyang ito ay maaring makapag palala sa halip na makatulong sa almoranas mo.

Cold Compresses kung may hemorrhoids

Lagyan ng ice packs o cold compresses ang iyong anus sa loob ng 15 minutes para mabawasan ang pamamaga. Sa malalaki at masasakit na almoranas ito ang pinaka mabisang paraan. Laging mag lagay ng ice wrap sa loob ng isang pirasong tela o paper towel at dahan dahang ilagay sa iyong almoranas.

Stool Softeners/pampalambot ng dumi

Ayon sa National Institute of Diabetes and Digestive And Kidney Diseases ang stool softeners o mga fiber supplements gaya ng psyllium ay makakatulong na mabawasan ang constipation at nagpapalambot ang dumi. Kaya naman ang pag gamit ng mga supplement na ito ay nakakatulong na maging mas madali at dumumi ng walang sakit na nararamdaman. Marami sa mga supplement na ito ang mabibili gaya ng capsules, powder at liquids. Maari mong ilagay ang mga ito ng isa haggang tatlong beses sa isang araw.

Mag suot ng maluluwang na papanamit kung may almoranas

Ang pag susuot ng masisikip na damit ay maaring makapag palala ng iyong almoranas. Maari rin itong makapag dulot ng impeksyon sa iyong almoranas. Kaya dapat kang gumamit ng damit na mas komportable kang makagalaw at maiiwasang matamaan ang almoranas mo. Iwasan ang pag lalagay ng mga fabric conditioner sa mga damit na isusuot mo lalo na sa iyong underwear. Ang ganitong mga gingamit na pampabango sa damit ay mayroong mga sangkap na kemikal na maaring makapag palala ng iyong almoranas. Gumamit ng cotton underwear. Ang cotton under garments ay talagang breathable fabric. Malambot ito at hindi nakaka irritate. Makakatuong ang pag suot ng ganitong uri ng kasuotan upang hindi na lumala ang iyong almoranas.

Uminom ng maraming tubig

Ang pag inom ng maraming tubig ay makakatulong upang maging madali at maging malamabot ang iyong pag dumi. Kung hindi mo uugaliin ang pag inom ng tubig araw araw lagi kang mahihirapan at makakaramdam ng sakit sa tuwing ikaw ay dudumi. Maraming benepisyo ang pag inom ng maraming tubig hindi sa almoranas mo. Makakatulong din ito na malinisan ang mga toxin sa loob ng katawan mo. Kaya kung uugaliin mong uminom ng maraming tubig araw araw, maiiwasan mo ang mas malalang mga sakit.

Mga Pagkaing Makakatulong Upang hindi na Lumala ang iyong Almoranas

Ang paraan ng pamumuhay at dietary changes ay ang pinaka mabisang paraan upang maiwasan ang almoranas. Kaya naman ang pagkakin ng mga high-fiber foods, lalo na mga gulay ay makakatulong na maging mas malambot ang iyon dumi upang sa gayon ay hindi ka mahirapan sa iyong pag dumi. Ang okra ay isa sa mga gulay na may pinaka maraming fiber. Ang araw araw na pag kain ng gulay na ito ay makakatulong sa iyo. Maraming mga prutas ang rich in fiber din. Ang pagkain ng prutas at gulay ay mabisang mga paraan sa almornas.

Kailan ka dapat mag patingin sa iyong doctor kung may almoranas?

Ang almoranas ay madaling malunasan. Maari itong gumaling ng hindi mo namamalayan. Pero mayroon ding mga almoranas na lumalala at nagkakaroon ng mga komplikasyon. Ang pagkawala ng maraming dugo na dulot ng sakit na almoranas ay maaaring pag mulan ng sakit na anemia na kung saan nauubos ang pulang dugo.

Kung nagawa mo na ang ibat ibang paraan ng paggagamot sa iyong almoranas sa loob ng dalawang lingo ngunit wala ka namang nakikitang positibong resulta, mas makabubuti kung mag papa tingin ka na sa iyong doctor. Lalo na kung napapansin mong mayroong pagdurugo sa iyong almoranas. Mas makakatulong ang doctor mo upang hindi na lumalala ang iyong almoranas. Maari siyang mag bigay ng ointment, cream o suppositories na bagay sa iyo. Kung hindi pa rin umubra ang mga gamot na ito maari syang mag recomenda ng pag oopera upang tanggalin ang iyong almoranas.

KATULAD NA MGA ARTIKULO