Halamang Gamot sa Almoranas: Mga Tipid Tips

Halamang Gamot sa Almoranas: Mga Tipid Tips

Ang pagkakaroon ng almoranas ay hindi biro. Lubhang napakasakit ang makaranas ng ganitong sakit. Kailangang umiri upang makadumi. Kadalasan din, may dugong humahalo sa dumi sanhi ng sobrang pag-iri at pagkagasgas sa butas ng puwit. May mga taong mula pa lamang pagkabata ay hirap na hirap na sa pagdumi. Sa ganitong klase ng sakit, masyado nang mahal magpagamot. Kaya naman may mga halamang gamot sa almoranas na rekomendado ng mga naniniwala sa natural remedy.

Ng mainam sa ganitong klase ng panggagamot ay nakatutulong sa isang taong hirap sa panggastos. Kaya naman kadalasan, hindi agarang nagagamot ang kaniyang sakit dahil sa kawalan ng pera. Ang mga gamot na herbal o maaaring matagpuan sa bakuran ay malaking tulong lalo na sa mga nagtitipid. Matututunan sa artikulong ito ang mga bagay na puwede at dapat gawin upang maibsan ang pakiramdam nang hindi kailangang gumastos ng malaki.

Mga halamang gamot sa almoranas na madaling hanapin

Tunay ngang hindi na kailangan pang pumunta sa klinika para magpakonsulta sa doktor. Magagamot na ang sarili sa tuwing may pangangati o pananakit na nararamdaman dulot ng almoranas. Sa katunayan, maaaring ang pinakamabisang solusyon ay matatagpuan lamang sa loob ng bahay o bakuran. Narito ang mga halamang gamot sa almoranas na madaling matagpuan para gumaling ang ano mang klase ng almoranas.

Sabila (Aloe Vera) – Ang halamang ito ay mayroong anti-inflammatory properties na talagang nakatutulong upang mabilis na mapagaling ang pamamagang dulot ng almoranas.

Paraan: kunin ang malapot na laman o gel na matatagpuan sa loob ng dahon ng sabila. Ipahid ito sa namamagang ugat sa butas nt puwit.

Kalamansi o lemon juice – ito ay may antioxidant properties na tumutulong na mabilis na pagalingin ang almoranas.

Paraan: Ipahid ang katas ng lemon o kalamansi sa apektadong bahagi o parte ng puwit. Puwede ring timplahin ang juice na may kahalong honey para sa mas marami pang bepenisyo sa kalusugan ng tao.

Dahon ng bayabas – katulad ng sabila, ito ay my anti-inflammatory properties na nakapagpapabilis ng paggaling ng sugat sa puwit.

Paraan: Pakuluan ang dahon ng bayabas. Palamigin ito ng kaunti hanggang sa maging maligamgam o makaya nang inumin. Ilagay ang maligamgam na tubig na may dahon ng bayabas sa batya at umupo nag ibinababad ang almoranas. Ibabad ang puwit hanggang sa lumamig at kaya nang ipanghugas ang pinagpakuluan. Gawin ito ng ilang beses araw-araw hanggang sa mawala ang almoranas.

Iba pang natural na paraan ng paggamot ng almoranas

Hindi man ganoon karami ang mga halamang maaaring makapagpagaling ng almoranas, napakarami namang iba pang natural na paraang mapipili. Ang mga ito ay madali pa ring hanapin sa loob ng bahay. Kung kinakailangang bilhin, hindi rin naman kamahalan ang presyo kaya naman hindi apektado ang pagtitipid.

Kung isa ka sa mga nais makadiskubre ng mga natural remedy bukod sa halamang gamot sa almoranas, you are on the right page. Napakaraming pagpipilian na surely, kamamanghaan mo. Hindi mo alam na ang mga ito pala ay mabisang pampagaling ng almoranas dahil kilala mo lang ang mga ito bilang gamit sa ibang paraan. Ang kainaman pa ng mga madidiskubre mo dito ay, hindi man sila direktang galing sa pananim ngunit maituturing pa rin silang mga halamang gamot sa almoranas.

Bakit? Kasi, ang mga ito ay nanggaling o nagmula rin sa halaman. Una na rito ang langis ng niyog. Bagamat kilala ito bilang natural moisturizer, ito rin ay nakatutulong maibsan ang mga sintomas ng almoranas. Tinutulungan ng langis ng niyog na mabawasan ang pamamaga, maging ang iritasyon sa balat. Nakatutulong din itong maibsan ang pangangati ng balat o butas ng puwit.

Kung minsan, maging ang mga taong maraming pampagamot ay nagtitiwala sa mga halamang gamot sa almoranas. Kung hindi pa sila kuntento sa ganitong paraan, humahanap sila ng iba pangmga home remedy solutions gaya na lamang ng balanced diet. Kasama na rito ang pagkain at pag-inom ng mga pagkain at inuming sagana sa fiber. Ang pag-inom ng sapat na dami ng tubig ay malaing tulong ding para mapalambot ang dumi. 8 – 12 na basong tubig araw-araw ang ideal na inumin para magamot ang almoranas.

Mga tsaa o kapsula na gawa sa karong bariles. Ang gamot na ito ay nakapagpapaigi ng kundisyon ng mga ugat. Binabawasan din nito ang pamamaga ng tisyu Gayun din ang tsaa na nanggagaling sa halaman. Ito ay may mapait na lasa. Upang mabawasan ang pangit na lasa, inirerekomenda ang paghahalo ng honey. Maaari ring ihalo ang sangkap na ito sa mga ginagawang ointment para guminhawa ang pakiramdam mula sa pangangati at pagkirot.

May mga taong ginagamot ang kanilang almoranas sa pamamagitan ng kastanyas ng kabayo. Rekomemdado ito para mapagaan ang pamamaga. Ito rin ay mainam na nagpapalakas ng mga dinadaluyan ng dugo sa katawan. Hindi ito pangkaraniwang remedy subalit makatutulong ng husto.

Kahalagahan ng natural na remedyo

Garantisandong ligtas gamitin ang mga halamang gamot sa almoranas. Dahil wala itong mga kemikal na sangkap, makasisiguro ang sino mgang gagamit nito na hind siya magkakaroon ng ano mang allergic reaction. Higit sa lahat, lubos na makatitipid kapag natural remedy ang pipiliin sa paggamot ng almoranas.

Sinisigurado ng natural na remedy ang kaligtasan ng pasyente ano man sa mga ito ang piliin. Dahil sa absence ng chemical formulation, maliit ang tsansa ng allergic reaction sa pagsubok ng alin man sa mga nabanggit. Higit sa lahat, halos walang gagastusin sa halamang gamot sa almoranas na ibigigay sa artikulong ito. Napakadali pang hanapin dahil karamahin ay makukuha lamang sa loob ng bakuran o bahay.

Umiwas na habang maaga pa

Huwag nang hintayin pang lumala ang almoranas. Kung sa palagay mo ay hindi mo rin kailangan pa ng mga naturang halamang gamot sa almoranas, agapa na ito sa mas madali at magaang pamamaraan. Magpahid ng hydrocortisone cream na mabibili sa botika nang hindi na kailangan pa ng reseta ng doktor. Huwag mag-alala kung nagtitipid at kailangang bumili. Mas magiging magastos kung magtutuloy ang almoranas at magiging mas mahaba-haba pa ang gamutan.

Kung naman malala na ang hemorrhoid, mas mainam na magpa-opera na kaagad nang hindi na mas lumala pa ang kundisyon. May option ka na sumailalim sa isang rubber band ligation. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng paglalagay ng goma sa mga namagang ugat para maputol ito makalipas ang ilang linggo. Puwede ring magpa-inject gamit ang sclerotherapy. Ito ay isang kemikal na nagpapaliit at nagpapahupa ng pamamaga sa ugat.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Halamang Gamot sa Almoranas: Mga Tipid Tips
5 (100%) 1 vote

KATULAD NA MGA ARTIKULO