Almoranas Home Remedy: Mga Practical Tips

Ang almoranas ay karaniwang sakit na ng maraming Pilipino. Bagama’t lubhang napakasakit sa pakiramdam, lalo na kung ang uri ng ganitong sakit ay panlabas, hindi pa rin dapat mabahala. Ayon sa mga eksperto, ang ganitong sakit ay, bagama’t lumalala, ay hindi nakamamatay. Hindi rin ito nakahahawa, at sadyang may lunas sa maraming pamamaraan. At ang mas mainam pa dito, may mga practical tips na madidiskubre para sa almoranas home remedy.

Kung ikaw ay isa sa mga nagsa-suffer sa sakit na almoranas, now is the time para wakasan ang paghihirap mo. Hindi mo naman kaagad kailangang magpa-opera, lalo na kung hindi pa ganoong kalala ang nararamdaman mong sakit at discomfort. Subukan mo muna ang mga home remedy tips na matututunan mo sa artikulong ito. Who knows, ito na pala ang pinakahihintay mo para bumuti ang pakiramdam mo. Malay mo rin, matapos subukan ang mga tips na madidiskubre mo rito, mag-goodbye ka na rin sa almoranas mo!

Alamin kung anong uri ng almoranas ang maaaring dumapo sa iyo

Ang almoranas ay may dalawang uri: ang internal o panloob, at external o panlabas na almoranas. May angkop na almoranas home remedy, ano man klase o uri ng sakit na ito mayroon ang isang tao. Subalit kung medyo malala na at talagang nakalabas na ang mga namamagang ugat at balat sa may butas ng puwit, maaaring kailanganin na ng ekspertong pagsusuri, gamutan o kaya naman ay operasyon. Ngunit habang nasa maagang stage pa lamang ng saki, o kaya naman ay nararamdaman pa lamang ang mga sintomas at wala pang kumpirmasyon ng sakit, mainam na subukan munga ang almoranas home remedy na mababasa rito.

Ang almoranas ay kilala rin sa tawag na ‘hemorrhoid o hemorrhoids.’ Gaya ng nabanggit na, ito ay may dalawang uri: ang internal hemorrhoids at ang external hemorrhoids. Malalamang ang sakit ay internal hemorrhoids kung may makikitang dugong nakahalo sa dumi. External hemorrhoids namang maitatawag kung makakaramdam naman ng sakit at kirot na dulot ng pamamaga sa may puwitan. Ang taong may internal hemorrhoids, kadalasan, ay walang nakikita o nararamdamang sintomas malaban sa pagdurugo habang dumudumi.

Ayon sa mga doktor at eksperto, sa panloob na almoranas, maaaring nation lamang napagdumi, nakakita ng bahid o patak ng dugo sa inidoro. Sa uring ito, kaunting pagdurugo lamang ang nararanasan, dulot ng pagkakagasgas dahil sa matigas na dumi. Mas nararamdaman ang external hemorrhoids dahil kadalasan, napakasakit nito kapag dumudumi ang isang tao. Ito ay dahil sa animo’y pigsa na matatagpuan sa butas ng puwit. Base sa mga pag-aaral, ang mga taong ipinanganak na may mahinang bituka (ngunit hindi naman lahat) ang may malaking tsansa ng pagkakaroon ng almoranas.

Maging ang mga taong nagkaka-edad na ang madalas na nagkaka-almoranas. Ito ay dahil sa paglaylay na ng lining ng kanilang tiyan. Ayon sa mga medical experts, habang tumatanda ang isang tao, katulad ng mga muscles, lumalambot din ang lining ng kaniyang bituka, dahilan ng pagkakalaylay nito. Kaya naman, napupuwersa ito at natutulak ang lining kapag dumudumi at umiire. Ano mang klase ng hemorrhoid magkaroon ang isang indibiduwal ipinapayo pa rin ang pagsubok sa almoranas home remedy bago pipiin ang synthetic medication o kaya naman, operasyon.


Mga tips para sa almoranas home remedy

Ang isang tao ay may almoranas kung siya ay nakararanas ng pamamaga sa kaniyang mga ugat sa puwit. Ang pamamagang ito ay puwedeng magresulta sa hirap sa pagdumi. Bagama’t hindi nakaamatay, maaaring lumala ang sakit na ito. At habang lumalala, ito ay mas lalong sumasakit. Kaya naman habang maaga pa, dapat ay ma-remedyohan na. May almoranas home remedy na puwedeng subukan. Ito ay practical choice kung tutuusin dahil hindi pa kailangang magpa-doktor at bumili ng gamot.

Hindi pa rin kailangan ng operasyon sa almoranas home remedy. Kailangan lang sundin nang mabuti ang mga tips na mababanggit para bumuti ang kundisyon. Upang makaiwas sa sakit na almoranas, ugaliin ang pagkain ng mga tamang pagkaing makapagpapabuti ng digestive system. Ang mga sumusunod ay maaaring gawin sa loob ng bahay nang hindi kinakailangan ng malaking gastos:

  1. Ugaliin ang pag-inom ng mga fruit juice gaya ng pinya. Uminom din ng prune juice para maging regular ang pagdumi.
  2. Magbawas sa pagkain ng ulam na karne lalo na kung nakakaranas nan g hirap sa pagdumi. Kumain ng maraming gulay at pagkaing sagana sa hibla o fibter.
  3. Para lumambot ang dumi, isama sa retular diet ang pagkain ng prutas gaya ng pakwan, papaya at pakwan. Ang mga ito ay garantisadong nakakapagpalambot ng dumi.
  4. Uminom ng 8 hanggang 12 baso ng tubig araw-araw. Huwag masyadong mag-rely sa mga gamot na nagpapalabas ng dumi katulad ng bisacodyl tablet. Lalong titibihin pagkatapos umepekto ang gamot na ito.
  5. Sa isang palanggana, magbuhos ng tubig na mainit at bantuan ito ng tubig na galing sa gripo. Kailangang mainit ang tubig pero yung init na hindi nakakapaso. Umupo sa palanggana nang exposed ang puwit sa tubig. Umupo ng hanggang 5 minuto. Gawin ito ng 3 beses sa loob ng isang linggo at mapapansing papagaling na ang pamamaga sa puwit.
  6. Kapag dumudumi, iwasang ang pag-ire ng sobra dahil ito ay makapagpapalala ng almoranas. Kung talagang ayaw lumabas ng dumi, hiwat itong pilitin. Makakatulong ang pag-e-exercise o paglalakad-lakad upang bumilis ang paggalaw ng mga bituka.
  7. Iwasan ang pagbabasa ng ano mang uri babasahin kapag nakaupo sa inidoro. Umupo lang kapag narararamdaman nang malapit nang lumabas ang dumi.
  8. Pagkatapos dumumi, gumamit ng isang tabong tubig o di kaya’s basang tissue. Iwasan ang paggamit ng tuyong tissue dahil maaaring magasgas nito ang almoranas kung mayroon nang ganitong sakit.
  9. Isang epektibong almoranas remedy ang pagiging malinis sa katawan. Tuwing magbabanyo, maghugas nang maigi ng puwit upang maiwasan ang impeksyon.
  10. Kung makakaramdam ng pangangati sa almoranas, huwag itong kakamutin. May nabibiling ointment o cream sa botika para maibsan ang pakiramdam.

Siguradong safe gawin ang mga naturang almoranas home remedy. Kung nasa early stage pa lamang ng hemorrhoids, mainam na mag-ingat na at sundin na ang mga nasabing tips. Huwag nang hintayin pang magkaroon ng almoranas bago pa man sundin at gawin ang 10 easy tips na ito. Habang maaga pa at maaari pang agapan ang pagdapo ng sakit, umaksyon na at huwag nang ipagpabukas pa.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Almoranas Home Remedy: Mga Practical Tips
Rate this post

KATULAD NA MGA ARTIKULO