Almoranas Prevention: Mga Tips Para Makaiwas sa Karamdaman

Almoranas Prevention: Mga Tips Para Makaiwas sa Karamdaman

Sino nga ba ang nais magkasakit lalo na kung ang sakit ay almoranas? Siguradong narinig o nalaman mo na ang mga sintomas at senyales ng pagkakaroon ng ganitong karamdaman. Sigurado ring kung wala ka pa ng sakit na ito, hindi mo gugustuhin pang makaranas nito. Para makasigo, alamin na ang almuranas prevention na dapat gawin upang makaiwas na madapuan nito.

Sadyang napakasakit magkaroon ng almoranas! Hirap na hira sa pagdumi, makakaita pa ng bahid ng dugo sa toilet, maging sa dumi. At if worse comes to worst, maaari pa itong lumala at hindi na magiging komportable pa ang pakiramdam sa mahabang panahon. Habang maaga pa, mainam na gumawa na ng paraan para hindi na magka-almoranas pa. Napakaraming puwedeng pagpiliang remedy. May natural na pamamaraan, at mayroon din namang kakailanganin pang dumaan sa isang procedure.

Mga almoranas prevention tips na maaaring sundin

Kung mga simpleng sintomas pa lang ang nararamdaman, simpleng almoranas prevention din ang nararapat. Ang pagkain ng maraming fiber-rich na gulay at prutas ang pangunahing must-do. Ito ay para mas lumambot pa ang dumi para hindi na mairita pa ang lining ng bahagi ng puwit na apektado ng almoranas. Mas makakabuti rin kung iiwas sa pag-iri kapag dumudumi para hindi tumaas ang presyon o puwersa na madalas maging sanhi ng almoranas.

Maligo ng mainit-init o maligamgam na tubig para ma-relax ang puwit. Ito ay garantisadong nakakatulong na magamot ang almoranas. Napkaraming kaso ng almoranas na nawawala nang dahil lang sa mga nabanggit na tips. Gawin lamang ito ng isang buwan at tiyak na mawawala o gagaling ang almoranas. Huwag mabahala kung sakaling hindi pa rin nawawala ang mga sintomas na nararamdaman.

Hindi rin dapag mag-alala kung nararamdaman mong parang magkaka-almoranas pa rin sa kabila ng agsunod sa mga naibigay nang tips. May iba pang mga paraang maaaring sundin at gawin. Kung may internal hemorrhoid, puwedeng almoranas prevention ang sclerotherapy injection, surgical resection, rubber band ligation, stapbled hemorrhoidectomy, o laser ablation.

Kung external hemorrhoid naman ang sakit, o di kaya naman ay mas malala nang internal hemorrhoid, operasyon o surgery na ang maaaring gawin para sa almoranas prevention. Pag naisagawa na ang mga ito, maiiwasan na ang paglala pa ng kundisyon dahil tuluyan nang tatanggalin ag mga namamagang ugat sa puwit. Huwag matatakot sa salitang ‘operasyon.’

Kung tutuusin, ito ay simpleng procedure lamang at hindi masakit. Tuturukan ang pasyente ng anesthesia bago ang operasyon. Matapos ang pagturok nito, tatanggalin na ang hemorrhoid gamit ang technique sa surgery na masyado nang teknikal kung ipapaliwanag pa sa artikulong ito. Sa kasalukuyan, kadalasang isinasagawa ang stapled hemorrhoidectomy. Ito rin ay tinatawag na surgical resection. Madalas, ang ganitong surgery ay hindi naman mas tumatagal pa sa isang oras para matanggal o maalis ang almoranas.

Mga pag-iwas na dapat gawin

Maaring nararamdaman mo na ang mga sintomas ng almoranas. Maaaring pamilyar ka na rin sa almoranas prevention na puwedeng gawin para hindi mo maranasan ang sakit. O di kaya naman ay, mayroon ka na nito ngunit ayaw mong mas lumala pa ang sakit. Kung kung nakaka-relate ka sa mga nabanggit na scenario, marahil ay nag-naghahanap ka na ng kaampatang lunas or preventive measures.

Kung nasa early stages pa lamang ang almoranas mo, maaari pang maagapan bago pa ito lumala. Gamutin ang nadi-develop pa lamang na almoranas sa pamamagitan ng pagpapahid ng hydrocortisone cream o ointment sa apektadong parte ng puwit.

Kung ang findings ng doctor sa iyong kundisyon ay isa nang malalang almoranas, gaya ng nabanggit, kailangan nang magpa-opera. Rubber band ligation ang pangunahing rekomendasyon. Ang namamagang ugat ay nilalagyan ng lastiko o goma para ito ay maputol matapos ang ilang linggo. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pag-iiniksyon ng sclerotherapy o isang klase ng kemikal upang lumiit hanggang sa tuluyan nang mawala ang pamamaga sa may bahagi ng ugat.

Almoranas prevention: mga puwedeng gawin at gamitin sa bahay

Hindi nga ba’t napakaraming pagpipilian para sa almoranas prevention? Huwag matakot o ma-intimidate sa rekomendasyon ng operasyon. Marami pang puwedeng gawing alternatibo na hindi na kinakailangan pa ang kahit na anong procedure. Sa katunayan, kayang-kayang gawin ang mga ito sa loob ng bahay.

  1. Ice Pack – malaking tulong ito para mabawasan ang pananakit at pamamaga sa puwit na bahagi. Gawin ito sa pamamagitan ng pagbabalot ng yelo sa tela. Idampi ito ng isang minuto sa apektadong bahagi ng almoranas. Dalasan ang paggawa nito araw-araw.
  2. Tubig na maligamgam – nakaka-relieve ito ng pakairamdam sa puwit. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagbuhos ng maligamgam na tubig sa isa palanggana. Upuan ang palangganang may tubig at ibabad ang almoranas ng 15-20 minuto. Punasan ang puwit gamit ang basang tuwalya para hindi matuyo ang parte ng may almoranas.
  3. Olive oil – ito ay may taglay na anti-inflammatory poperties na nakatutulong para hindi na mahirapan pang dumumi. Ginagamit ito sa pamamagitan ng paghahalo bilang sangkap sa pagkain na eksakto lang ang dami. Gawin ito nang madalas para mag-improve ang digestive system.
  4. Mag-diet at magbawas ng timbang – Kapag ang isang tao ay mataba, tumataas ang presyon sa bahagi ng kaniyang binti at baywang. Dahil dito, maaari siyang magkaroon, hindi lamang ng varicose veins, kungdi pati ng almoranas.
  5. Iwasan ang pagkain ng marami ng maalat na pagkain – Ang sobra sa asin o alat sa kinakain ay maaaring makapagdulot ng pamamaga sa katawan. Kasabay na rin nito ang pamamaga ng almoranas.
  6. Umiwas o bawasan ang pagkain ng maaanghang na pagkain – Hindi totoo ang mga sinasabing nakaka-almoranas ang maanghang na pagkain. Subalit, totoong ito ay nagko-contribute sa paglala ng karamdaman kapag nasobrahan ng kain ng maanghang.

Ngayong alam mo na ang mga puwedeng gawin para sa almoranas prevention, tiyak na magiging mas confident ka na sa iyong kalusugan. Huwang nang hintayin pa ang pagdapo ng almoranas sa iyong katawan, habang maaga, agapan na at gawan nang lunas. Bago pa man kumonsulta sa doktor, subukan muna ang mga naibigay nang tips sa artikulong ito.

Kumpleto ka sa pagpipilian para sa almoranas prevention. May gamot, inumin, pagkain at halamang gamot na puwedeng gawin para maiwasan ang pagkakaroon ng almoranas. At kung mayroon na, makatutulong ang mga hakbang na nairekomenda rito para maiwasan ang paglala pa ng nasabing sakit.

KATULAD NA MGA ARTIKULO