Symptoms of Almoranas: Ano Ang Iba’t ibang Sintomas ng Almoranas?

Symptoms of Almoranas: Ano Ang Iba’t ibang Sintomas ng Almoranas?

May almoranas ka ba? Natitiyak mo bang almoranas nga ito? Napakahalaga ng tamang pagtutukoy sa mga sintomas sa pagkompirma ng isang sakit. Kapag kalusugan na ang pinag-uusapan, dapat sigurado! Sabi nga nila, maraming namamatay sa maling akala.

Mayroon ka bang napapansing kakaibang pakiramdam sa iyong puwet habang dumudumi? Kaya lang ang problema, hindi mo tiyak kung ano ito? Masasagot ng artikulong ito ang iyong mga katanungan! Malalaman mo sa artikulong ito ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa almoranas o hemorrhoids, at kung ano-ano ba ang mga pangunahing sintomas nito.

Mga dapat malaman tungkol sa almoranas o hemorrhoids

Symptoms of almoranas? Bago natin ito pag-usapan, talakayin muna natin ang mga mahahalagang bagay na dapat mong malaman patungkol sa sakit na almoranas.

Ang almoranas ay ang paglaki at pamamaga ng mga blood vessels sa mababang parte ng rectum at ng anus o tumbong. Namamaga ang mga blood vessels dahil sa matinding pressure galing sa abdomen. Pangunahing sanhi nito ang constipation, pagbubuhat ng mabigat, diarrhea, at marami pang iba.

Nahahati sa dalawang kategorya ang almoranas o hemorrhoids:

Internal hemorrhoids – Nangyayari ito sa loob ng rectum at kadalasang nararamdaman lamang ang sakit at pangangati sa tuwing nag iiri habang tumatae.

External hemorrhoids – Nangyayari naman ito sa loob ng balat ng anus o tumbong. Kadalasan namang may dugo ang tae ng taong may external hemorrhoids.

Bukod sa dalawang uri ng almoranas, meron rin itong grado o grade na tinatawag base sa anyo nito. Ano-ano ang mga grade na ito? Narito ang mga sumusunod:

  • Grade 1 – Maliit na almoranas na hindi nakausli. Ito ang pinaka simple at madaling gamutin dahil nag uumpisa pa lamang. Agapan ang kondisyon na ito upang huwag ng lumala pa.
  • Grade 2 – Umuusli kapag dumudumi, ngunit bumabalik rin naman sa dati pagkatapos.
  • Grade 3 – May nakausling bukol sa tumbong. Kailangang itulak na ang nakausling bukol pabalik sa loob.
  • Grade 4 – Nakausling bukol sa tumbong ngunit hindi mo na maibabalik kahit anong gawin mong pagtulak pabalik sa loob. Ito na ang pinaka malala sa lahat. Ang almoranas na ito ay may kasamang hindi maalis alis na pananakit, pangangati, pamamaga, at iba pang mga komplikasyon.

Paano ba maiiwasan ang pagkakaroon ng almoranas? Maiiwasan ang pagkakaroon mo ng almoranas sa pamamagitan ng pagpapanatiling malambot ng tae mo. Makakatulong rin ang regular exercise, pagkain ng high fiber foods, paginom ng maraming tubig, at pag iwas sa pagupo ng matagal sa toilet bowl kapag tumatae.

Dagdag kaalaman: alam mo bang ang sakit na almoranas ay karaniwang nawawala o gumagaling sa loob lamang ng dalawa hanggang tatlong araw? Ngunit, ito ay depende kung gaano kalala ang kondisyon, at kung paano mo ito itrato. Kadalasang ring humuhupa ang pamamaga ng almoranas sa loob lamang ng isang linggo.

Symptoms of almoranas: Mga sintomas at palatandaan ng almoranas

Nabanggit ko kanina ang dalawang uri ng almoranas, anumang uri o kategorya ng almorans, pare pareho lamang ito kung tukuyin ng mga pinoy. Pero, alam mo bang bawat isa sa kanila ay mayroong naiibang katangian pagdating sa mga sintomas? Kung hindi mo pa ito alam, ito ang mga dapat mong bantayan:

  • Internal hemorrhoids (panloob na almoranas)- Ang nasa loob na almoranas ay karaniwang nagpapakita ng walang sakit, matingkad na pula, pagdurugo sa puwit o habang kasunod ng pagdumi. Karaniwang nababalutan ng dugo ang dumi, at karaniwang may kulay ang dumi. Kasama sa mga ibang sintomas ang paglabas ng mucous. Ano ito? Ang mucous ay isang perianal mass kung ito’y dadausos pababa sa puwit, pangangati, at kawalan ng kontrol sa pagdumi. Karaniwang masakit ang panloob na almoranas kapag ito’y may namuong dugo na bumara sa necrotic o may mga namatay na selyula o tisyu.
  • External hemorrhoids (panlabas na almoranas)- Ang panlabas na almoranas ay maaaring magdulot ng maraming problema, kabilang diyan ang pamumuo ng dugo sa mga ugat ng anus o tumbong. At kapag mayroong naganap na pagbara ng mga namuong dugo sa mga ugat, maaaring magbigay ng napakatinding sakit ang almoranas. Ang pagkakaroon ng external hemorrhoids ay kadalasang sanhi ng kapabayaan at hindi wastong pag-alaga sa katawan.

Ang mga nabanggit na sintomas ay para sa dalawang uri ng almoranas. Alam mo bang napakarami pang iba’t ibang sintomas ang sakit na ito kung pagbabasehan ang pangkalahatan? Gusto mo bang malaman? Magpatuloy lamang sa pagbabasa mo kaibigan!

Symptoms of almoranas: Pangkalahatang palatandaan at sintomas ng almoranas

Tinalakay natin sa unang bahagi ng artikulong ito ang mga sintomas ng internal, at external hemorrhoids. Nakuha ang mga sintomas na ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga doktor at ekpserto. Dumaan rin ito sa isang medical procedure para magkaroon ng theory patungkol sa mga sintomas na nabanggit.

Pero, marami pang mga sintomas ang dapat mong malaman! At ang mga sintomas na ito ay karaniwang nanggaling sa mga testimonya at karanasan ng kababayan nating mga pinoy. Huwag na natin itong patagalin pa! narito ang ilan pa sa mga sintomas ng almoranas na dapat mong bantayan:

  • Mayroong kasamang dugo ang tae, ngunit walang nararamdamang sakit habang dumudumi.
  • Pananakit ng puwet. Ang pananakit na ito ay kadalasang sanhi ng pamamaga ng almoranas. Karaniwan ang pananakit na ito sa mismong anus o tumbong.
  • Hindi maipaliwanag na pangangati o iritasyon sa mismong butas ng puwet o anus. Iwasan lamang na kamutin ito upang makaiwas sa impeksyon, lalo na kapag madumi ang kamay o daliri.
  • Pamumuo ng maliit na bukol sa mismong butas ng puwet. Kadalasang lumalabas ang bukol kapag naguumpisa ng lumala ang kondisyon ng almoranas.
  • Pamamaga sa mismong butas ng puwet. Dahil ito sa pamumuo ng bukol sa anus o tumbong
  • Pagkakaroon ng bukol sa palibot naman ng anus, sensitibo at masakit.
  • Pag leak ng tae. Ito ang pinaka malala sa lahat ng sintomas. Isa lang ang ibig sabihin nito, malala na ang kondisyon mo! Sabog at nasira na ng tuluyan ang butas ng puwet.

Tanong: Nakakaranas ka ba sa kasalukuyan ng mga sintomas na nabanggit sa itaas? Tandaan lamang, anumang uri ng sintomas ang iyong nararanasan sa ngayon, huwag mo itong isa walang bahala. Maghanap kaagad ng pangunang lunas upang maiwasan ang paglala ng almoranas mo.

KATULAD NA MGA ARTIKULO