Mga Almoranas Symptoms na Maaring Maranasan

Ang sakit na almoranas ay lubhang napakasakit. Madalas, ito ay nagdudulot ng discomfort sa isang tao. Kapag ang sakit na ito ay sinusumpong, talaga namang halos hindi na makagalaw sa kirot na nararamdaman. Dahil dito, napakaraming mga ipinagpapayong dapat at hindi dapat gawin, inumin at kainin. Bago pa malaman kung ano talaga ang tama para sa pag-iwas o paglunas ng sakit na ito, importanteng alamin muna ang mga almoranas sysmptoms na puwedeng maranasan.

Base sa mga aral, may dalawang uri ng Almoranas—ang external at internal hemorrhoid. Bukod pa dito, may iba’t-ibang stages o grades din ang karamdamang ito. Nariyan ang Grade 1, 2, 3 at 4. Sa mga lebel na ito natutukoy kung gaano kalala na ang almoranas ng isang tao. Dagdag pa rito ang sintomas na makikita o mararamdaman ay siya ring makapagsasabi kung anong antas na ng hemorrhoid mayroon ang isang tao.

Pinagmumulan ng almoranas

Kung sakit na almoranas ay karaniwan na sa maraming Pilipino. Bagama’t masakit, ito ay hindi nakamamatay kaya’t hindi dapat maalarma ang sino mang mdapuan nito. Ayon sa pag-aaral, pag umabot na sa 50 ang edad, halos 50 percent ng mga tao ay nagkakaroon na ng almoranas. Anong almoranas symptoms ang nararamdaman para masabing ang isang tao ay may ganitong karamdaman?

Bago malaman kung anong sintomas ng karamdamang ito, mainam na matukoy muna kung bakit nagkakaroon ng hemorrhoid ang isang tao. Ang maling eating habit ay isa sa mga dahilan kung bakit nagkakasakit ng ganito. Maging ang hindi madalas na pag-inom ng tubig o hindi pag-inom ng maraming tubig ay isa pang maaaring pagmulan hg hemorrhoid—external man iyan o internal. May maling paniwalang ang pagkain ng maaanghan ay pinagmumulan ng almoranas. Ngunit mga doktor at eksperto na ang nagsasabing mali ang ganitong paniniwala.

Hindi rin naman sinasabi ng mga dalubhasa na ang maaanghang na pagkain ay walang kinalaman sa sakit na almoranas. Bagama’t hindi ito pinagmumulan ng nasabing sakit, maaari itong makapagpalala o makapag-trigger kapag nasobrahan ng kain. Isang ugat o pinagmumulan ng sakit na ito ang pagtitibi. Katunayan, ito ang nagiging pangunahing pinanggagalingan ng almoranas. Kapag hirap dumumi, napapa-ire nang matindi. At, kapag umire nang sobra, nagkakaroon ng presyon sa bahagi ng puwit.

Mga maling gawain kung bakit nagkaka-almoranas

Kung ang mga magulang o nakatatanda sa pamilya ay may hemorrhoid, maaari itong mamana. Malaki ang tsansa ng mga kababaihang makakuha ng sakit na almoranas. Dahil sa matinding pag-ire habang nanganganak, maaaring makapagdulot ito ng almoranas. Katulad ng nabanggit, isa sa mga almoranas symptoms ang pamamaga ng ugat sa may puwit. Sng namamagang ugat na ito ay lumalabas sa tuwing dudumi at iire ang isang tao.

Ang mga ugat na ito na nasa loob ng puwit, pag katagalan sa pag-ire, ay maaaring lumabas at maipit. Ito kadalasan ang nagiging sanhi ng pagdurugo ng pwerta. Bahagi rin ng mga panguhanhing almoranas symptoms ang grabeng pagsakit sa may butas ng puwit at matinding pagdurugo habang dumudumi.Kadalasan, ang almuranas ay nakakapa. Ang pagkahalo ng dugo sa dumi ay isa sa mga pinakapalatandaang ang isang tao ay posibleng may almoranas.

Bagama’t may mga nabanggit nang sanhi o pinagmulan ang sakit, ayon sa mga eksperto, ang totoong dahilan ng hemorrhoid na may kinalaman sa sintomas ay hindi pa natutukoy. Ang dami ng mga sanhing ito ay pinaniniwalaang nangyayari kasabay ang irregular na pagdumi. Ibig sabihin, hirap na o hindi na regular ang pagdumi. Hirap dumumi ang isang tao dahil sa kakulangan niya sa pagkaing sagana sa fiber o hibla. Maaaring ito ay dahil din sa hindi pag-inom ng sapat na dami ng tubig.

Kung minsan, kailangan din ng tao ng sapat at regular na ehersisyo. Kapag ang siya ay physically fit, sumusunod na ang pagiging malusog ng kaniyang pangangatawan. Ang taong madalas pagpawisan bunsod ng pagwo-workout ay madalas uminom ng tubig upang mapalitan ang nawang tubig sa kanila sa pamamagitan ng pagpapapawis. Maging ang diet and nutrition ay malaki ang kontribusyon sa pagkakaroon ng almoranas. Makakaramdam ng matinding sakit sa abdominal cavity dahil sa tagal ng pagpipilit o pag-ire habang dumudumi.


Mga karaniwang almoranas symptoms

Nauna nang nabanggit na ang almoranas ay may dalawang klase: ang internal at external hemorrhoid. Karaniwang sintomas na nararamdaman kapag may internal hemorrhoid ang pagdurugo. Ito ay puwedeng mapansin kapag nagpahid gamit sa toilet paper matapos ang normal o ordinaryong pagdumi. Para malaman kung posibleng almoranas nga ang naranasang pagdudugo, ang kulay ng dugo ay dapat, sobrang pula.

Narito ang ilan pa sa mga almoranas symptoms na mapapansin sa katawan at pakiramdam. Dapat bantayan ang mga pagbabagong ito sa kalusugan. Maaaring lumala ang sakit o makaramdam ng mas matinding discomfort. Kapag nangyari ito, mas mainam na kumonsulta na agad sa doktor.

  • Pangangati – Maaaring makaramdam ng pangangati sa bahagi ng pwerta. Ang pagkati ay puwede ring mapadalas. At sa kakakamot, maaaring magsugat ang balat o parte ng puwit na kinamot. Ito ay maaring maging sanhi ng pagsusugat ng nabanggit na bahagi ng katawan, at occasional hanggang sa madalas na pgdurugo.
  • Hind komportable ang pakiramdan sa may puwitan – sa bahaging ito ng almoranas symptoms, may mararamdamang nakabitin o nakasabit sa puwit. Ito ay ang namagang ugat sa loob na kusang lumabas sanhi ng matinding pag-iri. Dahil dito, nagiging mahirap ang pag-upo.
  • Madinding kirot o hapdi sa puwit – ito ay kadalasang nararamdaman ng mga taong may external hemorrhoid o panlabas na almoranas. Ngunit puwede rin itong maramdaman sa internal na almoranas lalong-lalo na kapag mas malala na ang kudisyon ng sakit. Mararamdaman ang matinding sakit o kirot sa puwit dahil sa posibleng namuo nang dugo sa balat. Dito, makakapa ang umbok o bukol sa balat na animo’y pigsa.
  • Posibleng makakapa o magkaroon ng naka-umbok sa balat – ito ay dulot ng napisil na ugat. Ang nakausling balat na ito ay puwedeng maramdaman o makapa.

Ang mga nabanggit na almoranas symptoms ay mga karaniwan nang pagbabagong mapapansin sa katawan, kalusugan o nararamdaman ng isang tao. Hindi man maranasan o maramdaman ang lahat ng ito, ngunit isa lamang dito ay maaari nang makapag-kumpirma ng karamdamang hemorrhoid. Kapag naramdaman ang mga naturang sintomas, o senyales, huwag mabahala.

Mga doktor at eksperto na ang nagsabing, hindi nakamamatay ang sakit na ito. Maaaring lumala o tumagal ito sa pagpapahirap ng pakiramdam, ngunit ito ay nagagamot. Ito rin ay maaaring iwasan para hindi na makaapekto pa sa kalusugan. Kailangan lang ng ibayong pag-iingat sa pagkain, inumin at pang-araw-araw na aktibidades.

KATULAD NA MGA ARTIKULO