Almoranas Treatment: Ano ba Ang Mabisa at Epektibong Treatment Para sa Almoranas?

Hindi mapakali sa tuwing magtatae dahil sa almoranas? Gusto mo na bang malunasan ito upang matuldokan na ang paghihirap mo? Ang tanong, alam mo ba kung paano? Basahin ang artikulong ito! Tatalakayin natin dito ang iba’t ibang almoranas treatment, katulad ng mabisang gamot, wastong pangangalaga, at iba pang mahahalagang impormasyon sa kung paano gumaling ng tuluyan ang almoranas mo.

Paano mo ba malalaman na may almoranas ka na?

Bago natin pag-usapan ang tungkol sa almoranas treatment, alamin muna natin kung talaga bang may almoranas ka na. Ituturo ko sa iyo ang tamang pagtukoy sa sakit na ito upang makompirma mo at mabigyan ng tamang lunas.

Ang almoranas o hemorrhoids ay ang pamamaga ng mga ugat sa tumbong at rectum sa puwet. Ang rectum ay ang pinakadulong parte ng large intestine o bituka papalabas sa anus o tumbong. Ang anus ay ang pinakadulo ng digestive tract kung saan lumalabas ang dumi o tae (toxins) ng isang tao.

Ang pinaka karaniwang sintomas ng almoranas ay ang painless bleeding o pagdurugo ng walang sa sakit. Matingkad na kulay pula ang kadalasang makikita sa labas ng isang tae, kung minsan, mapapansin rin na merong mga patak ng dugo sa toilet bowl.

Iba pang mga sintomas nito ay ang mga sumusunod:

  • Pangangati sa mismong butas ng puwet o anus.
  • Pamamaga ng tumbong o anus.
  • Pagtubo ng isang maliit na bukol sa mismong butas, at maging sa paligid ng anus o tumbong.
  • Mahaping pakiramdam sa mismong butas ng puwet kapag umiiri.

Ilan lamang ang mga nabanggit sa mga palatandaan ng taong may almoranas. Ang tanong, nararanasan mo ba ang mga ito sa ngayon? Kaibigan, mukhang may almoranas ka nga! Hayaan mong tulungan kita, magpatuloy lamang sa iyong pagbabasa.


Almoranas treatment: Mga mabisang halamang gamot para sa almoranas

Umpisahan natin ito sa natural na pamamaraan. Noon pa man, ang mga herbal o halamang gamot ay matagal ng ginagamit ng ating mga ninuno sa pang gagamot. Kaya nga lang, dahil sa pagunlad ng medisina sa Pilipinas, marami na rin ang mga nakalimot sa hiwaga ng mga halamang ito. Pero, hindi ito nangangahulugan na nawalan na rin ito ng bisa. Sa katanuyan nga, marami pa rin naman ang patuloy na gumagamit ng mga ito.

Alam mo ba na maraming mga halamang gamot ang maaaring makapag pagaling sa almoranas mo? Subukan mo ang mga sumusunod na ito:

  • Ampalaya – Maghugas at magtadtad ng mga ugat, bunga, at buto ng ampalaya. Kumuha ng ½ tasa nito at katasin. Haluan ng dalawang kutsarang langis ang katas. Basain ang bulak ng pinaghalong katas at langis at ipahid sa almoranas pagkatapos ng paligo.
  • Dahon ng Bayabas – Magpakulo sa loob ng sampong minuto ng tatlong tasang tinadtad na dahon ng bayabas sa dalawang galon ng tubig. Salain ito pagkatapos. Gawin itong panlinis at panghugas sa namamagang tumbong.
  • Dahon ng Patola – Pumitas ng 20 na dahon ng patola. Pagkatapos, hugasan at tadtarin ito. Pakuluan ang tinadtad na dahon ng patola sa dalawang galon ng tubig, salain ito pagkatapos. Gawin itong pampaligo at panghugas sa puwet na may almoranas.
  • Aloe vera – Merong nabibiling aloe vera gel sa mga purchased products at drug stores, kung walang pwedeng mapagkunan ng preskong aloe vera gel. Ayon sa pag-aaral, ang aloe vera ay may taglay na anti-inflamatory properties na mabisang gamot sa mga sugat, katulad na lamang ng almoranas.

Almoranas treatment: Natural at ligtas na paraan ng pagamot sa almoranas

Katulad ng mga halamang gamot, ang susunod na ituturo ko sa iyo ay isa pang natural na lunas sa sakit mong almoranas. Ang maganda sa mga paraang ito, unang-una, hindi magastos, madaling gawin, at higit sa lahat ligtas gamitin.

Kaya naman, huwag na natin itong patagalin pa! Subukan mo ang mga paraang ito at natitiyak ko ang mabilis at magandang resulta sa almoranas mo:

Pagamot gamit ang tubig

Kumuha ng isang palanggana at buhusan ng mainit na tubig. Haluan ito ng malamig na tubig hanggang sa bumaba ng kaunti ang temperatura nito. Tandaan: Kailangan maging sapat ang init ng tubig, ngunit alalahanin rin na dapat hindi ito makapaso sa iyong balat.

Maupo sa ibabaw ng palanggana, kailangan dapat naka-expose ang iyong puwet sa mismong bunganga ng palanggana na mayroong mainit na tubig. Maupo sa loob ng 5 minutes at huwag pupunasan ng kung ano mang bagay, katulad ng tela o damit ang puwet matapos maupo sa palanggana. Gawin ang paraang ito tatlong beses sa isang linggo. Pagkatapos, mapapansin mo na unti-unti ng mawawala ang pamamaga nito.

Pagamit ng yelo

Ang pag apply ng yelo sa almoranas ay nakakatulong upang bawasan ang pamamaga at pananakit nito. Ibalot lamang ang isang maliit na piraso ng yelo sa malinis na tela, at ilagay ito sa almoranas sa loob ng 15 minutes.

Coconut oil

Ang langis na galing sa niyog ay isang natural na moisturizer. Makakatulong ang paglagay ng coconut oil sa mismong anus sa pamamaga at iritasyon na dulot ng almoranas. Nakakatulong rin ito na mabawasan ang pangangati ng balat ng anus.

Dietary changes

Ang wastong diet ay nakakatulong rin sa pagpapagaling ng almoranas. Higit sa lahat, makakaiwas ka na rin sa muling pagkakaroon nito. Ano ba ang mga dapat baguhin mo? Kumain ng mga pagkaing mayaman sa fiber, katulad ng mga gulay at prutas. Uminom rin ng maraming tubig araw-araw.

Gumamit ng maluwang na underwear

Importante ang paraang ito para mas mapabilis ang pagaling ng almoranas mo. Dahil sa pagsuot ng mga loose o maluwang na underwears, nababawasan nito ang mga sintomas, at iba pang komplikasyon ng almoranas.

Almoranas treatment: Kailan ba dapat magpatingin sa doktor kung may almoranas?

Laging isaisip, mayroon talagang mga kaso ng almoranas na hindi na madadala sa isang simpleng gamutan, kahit nga nagawa mo naman ng maayos ang mga nabanggit.

Ang matagal na pagkakaroon ng almoranas ay maaaring maging banta sa iyong buhay. Bakit? Alam mo ba na ang sobrang pagkawala ng dugo o chronic blood loss ay maaaring mauwi sa anemia? Maaari ring may iba ka pang malubhang karamdaman, isang dahilan kung bakit hindi maalis alis ang almoranas mo.

Tandaan: kapag umabot na ng dalawang linggo ang pagkakaroon mo ng almoranas, sa kabila ng ginagamot mo naman ito, kaibigan, kailangan mo ng magpatingin sa doktor upang matukoy kung ano ba talaga ang tunay mong kalagayan.

KATULAD NA MGA ARTIKULO