10 Almoranas Gamot Para Maiwasan at Mawala ang Problema sa Almoranas

10 Almoranas Gamot Para Maiwasan at Mawala ang Problema sa Almoranas

Hindi madali mabuhay na tila may naka-umbok sa iyong ibaba. Nakaka-ilang umupo, tumayo, at maging maglabas ng dumi. Nabubuo ang almoranas o hemorrhoids (piles) dahil sa matinding pressure sa mga ugat na nasa may puwet at pelvic area. Ito ay malaking sagabal sa araw-araw na pamumuhay. Ang namamagang ugat ay maaring nasa loob ng puwet (internal hemorrhoid) o hindi kaya ay malapit sa bukasan ng puwet (external hemorrhoid). Ang pagpipigil ng dumi ay sanhi upang mabanat at mamaga ang mga ugat. Ang iba’t ibang kondisyon tulad ng diarrhea, constipation, panganganak, at labis na katabaan ay nakakadagdag din ng pressure sa bahagi ng puwet na maaring mauwi sa almoranas. Tinatayang higit sa 50% ng lahat ng tao sa mundo ay nagkakaroon ng almoranas pag sapit sa edad na 50.

Pangangati, pamumula, pananakit, at pamamaga sa palibot ng puwet ay karaniwan kung ikaw ay may almoranas. Maari din makakakita ng dugo sa iyong dumi.

Paano maiwasan ang almoranas?

Ang pagbabago ng iyong lifestyle at diet ang pinaka-epektibong paraan mara maiwasan ang almoranas. Ang pagkain ng high-fiber foods, at pag-inom ng maraming tubig ay mahalaga dahil ito ay nakakatulong para maging maayos ang digestive process. Ang page-ehersisyo ay nakakatulong din para maka-iwas sa almoranas at constipation.

Ang almoranas ay marahil karaniwang problema ngunit, hindi nito maalis ang hatid nitong abala. May mabibiling mga over-the-counter na gamot para mabawasan ang sakit at pangangati. Ngunit, kung ikaw ay may malubhang internal hemorrhoids, ang iyong doktor ay maaring magsagawa ng rubber band ligation para mabawasan ang daloy ng dugo sa almoranas at lumiit ito. Sa kabutihang-palad, maraming almoranas gamot na maaring gawin sa tahanan. Narito ang mga dapat mong subukan:

1. Magbabad sa mainit na Sitz Bath

Ang pag-upo sa mainit na palanggana ay nakakatulong para mawala ang almoranas. Ang tawag sa ganitong paraan ay hip o “sitz” bath (mula sa German word na “sitzen” o “to sit”). Sa sitz bath, tanging ang bahagi lamang ng iyong balakang ang nakababad. Subukan ito dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw. Maaring makabili ng espesyal na batya na maaring ikabit sa iyong inidoro. Inererekomenda rin ang 20 minutong sitz bath pagkatapos maglabas ng dumi. Tandaan maging maingat at magdahan-dahan sa paglilinis ng iyong puwet para maiwasan na mairita ang iyong almoranas.

2. Subukan ang Glycerin at Epson Salts

Ito ang dalawa sa pinakakaraniwang sangkap na maari mong gamitin para labanan ang pananakit at pamamaga na dulot ng almoranas. Haluin ang parehong dami ng glycerin at Epson salts. Ilagay ito sa apektadong bahagi gamit ang gauze pad. Hayaan ito sa loob ng 15 – 20 minuto para mabawasan ang sakit. Ulitin ang prosesong ito kada 4-6 oras kung kinakailangan. Maari mo rin idagdag ang routine na ito tuwing ikaw ay magsi-sitz bath.

3. Gumamit ng Ice Packs

Ang paglalagay ng ice pack sa apektadong bahagi sa loob ng ilang minuto ay nakakatulong para mabawasan ang sakit at pamamaga.

4. Subukan ang Petroleum Jelly

Ang petroleum jelly ay subok na sa iba’t ibang kondisyon sa balat ay maari din gamitin sa almoranas. Ito ay nakakatulong sa pamamagitan ng pagbuo ng protective barrier sa almoranas. Ipahid ito sa may puwet para mapigilan ang impeksiyon at mabawasan ang pangangati.

5. Magsuot ng Cotton na Pangloob o Underwear

Ang mga pangloob na gawa sa cotton ay mahusay na pumipigil sa moisture na maaring maka-irita sa iyong almoranas. Magsuot din ng maluluwag na damit para mabawasan ang pressure sa bahagi ng iyong puwet.

6. Iwasan ang mga gawain na nagbibigay ng matinding pressure sa bahagi ng puwet

Kung ikaw ay may almoranas, magandang ideya na bawasan ang paglalagay ng pressure sa apektadong bahagi ng iyong puwet. Halimbawa, gumamit ng malambot na unan tuwing kailangan mong umupo. Iwasan din na magbuhat ng mabibigat na bagay. Kung kailangan magbuhat, huwag pigilan ang hininga.

7. Magpahinga

Ang pagkakaroon ng sapat na oras ng pahinga ay makakatulong para mabawasan ang pressure sa namamagang ugat. Ang pagtulog ng naka-dapa at paglalagay ng unan sa balakang ay nakakabawas sa pamamaga. Kung ikaw ay buntis, matulog ng patagilid.

8. Ayusin ang gawi sa pagdumi (Bowel Habits)

Alamin ang iba’t ibang bowel habits na makakatulong sa iyo kung ikaw ay may almoranas:

  • Huwag pigilan ang pagdumi – Kung nararamdaman mo na ang tawag ng kalikasan, agad pumunta sa banyo. Ang pagpipigil ng dumi ay maaring magdulot ng constipation at magpalala sa iyong almoranas.
  • Gumamit ng bangkito – Ipatong ang iyong paa sa bangkito kapag ikaw ay magba-banyo. Ang ganitong posisyon ay makakatulong para mas maging madali sa iyo ang paglalabas ng dumi.
  • Limitahan ang oras sa inidoro – Ang pag-upo ng matagal sa inidoro ay sanhi upang ma-ipon ang dugo sa puwet, dahilan para mamaga ang mga ugat dito. Kaya, tumayo agad pagkatapos magbawas. Kung ikaw ay may ugali na nagbabasa habang naka-upo sa inidoro, oras na para itigil ito.

9. Labanan ang Contipation gamit ang Fiber, Tubig, Probiotics, at Ehersisyo

  • Kumain ng pagkaing mayaman sa Fiber – Ang fiber ay nagdaragdag ng tubig sa iyong dumi para palambutin ito. Sa gayong paraan, mas madali itong maila-labas. Makakatulong ito para mabawasan ang pressure sa iyong almoranas at mapababa ang posibilidad ng pamamaga at pananakit. Isama ang high-fiver goods gaya ng prunes, apples, carrots, peas, broccoli, spinach, Brussels sprouts, legumes, at oatmeal sa iyong diet. Subukan na makakuha ng 25 – 30 grams ng fiber sa isang araw. Maari mo rin subukan uminom ng fiber supplement tulad ng psyllium para matugunan mo ang iyong daily fiber intake.
  • Uminom ng Probiotics – Ang Probiotics o “good” bacteria tulad ng Bifidus at Lactobacillus ay nagpapalambot sa dumi at nakakatulong sa paglalabas ng dumi. Ang isang baso ng yogurt na may sangkap na active cultures ay magandang idagdag sa iyong diet.
  • Uminom ng maraming tubig – Ang pag-inom ng tubig ay nagpapalambot sa dumi, at nagpapabawas ng posibilidad na magkaroon ng constipation. Uminom ng 6 -8 baso ng tubig sa isang araw.
  • Mag-ehersisyo – Ang regular na page-ehersisyo ay makakatulong para maiwasan ang constipation. Inererekomenda na magkaroon ng moderately intense na physical activity ng higit sa 3 oras sa isang linggo.

10. Subukan ang Almoranas gamot na makikita sa iyong tahanan: Witch hazel, Aloe Vera, Goldenrod, at Yarrow.

Maraming herbal remedies ang maaring gamitin para malunasan ang almoranas, ang mga ito ay napatunayan ng epektibo at mahusay. Ngunit, ipahid muna ito sa ibang bahagi ng katawan bago ilagay sa almoranas para masiguradong hindi ka allergic dito.

  • Witch Hazel – Ang Witch hazel ay tumutulong na bawasan ang pangangati, pananakit, at pagdurugo. Ang oils at tannins na makikita sa halamang ito ay mahusay na panglaban sa pamamaga at pagdurugo. Paano gamitin: Gumamit ng hot compress na may witch hazel at ilagay ito sa iyong almoranas dalawang beses sa isang araw. Maari ka rin gumamit ng topical ointment na may sangkap na witch hazel.
  • Aloe Vera – Ang Polysaccharides gaya ng acemannan na makikita sa aloe vera ay nagbibigay dito ng anti-inflammatory at immune-stimulating properties. Ito ay nagdu-dulot ng ginhawa sa almoranas. Paano gamitin: Putulin ang dahon ng aloe vera at kuhain ang gel sa loob. Ipahid ito sa labas ng puwet para mabawasan ang kirot ng almoranas at para gumaling ito. Ang Aloe Vera juice din ay isang laxative na maari mong inumin kung ikaw ay may constipation.
  • Goldenrod – Ang Goldenrod ay kilala dahil sa mahusay nitong anti-inflammatory properties. Matagal ng ginagamit ang halamang ito na Almoranas gamot. Paano gamitin: Ilagay ang ¼ na baso ng pinatuyong goldenroad sa 2 baso ng kumukulong tubig. Pagkatapos ng 15 minuto, salain ito at gamitin pang-sitz bath.
  • Yarrow – Isa pang halaman na may anti-inflammatory properties ang Yarrow. Isa itong tradisyunal na European remedy para sa almoranas. Paano gamitin: Idagdag ito sa iyong sitz bath.

Kumunsulta sa doktor kapag malubha ang sintomas

Madalas ang almoranas ay madaling magamot ngunit, kung patuloy pa rin itong lumalala sa kabila ng pag-inom ng over-the counter na gamot, at mga home remedies, agad lumapit sa doktor para mabigyan ng kaukulang gamot at lunas.

KATULAD NA MGA ARTIKULO

Related posts