Almoranas o Dugo sa Dumi: Ano Ang Mga Dapat Gawin Kung Dumudugo Ang Almoranas?

Almoranas o Dugo sa Dumi: Ano Ang Mga Dapat Gawin Kung Dumudugo Ang Almoranas?

Ang pamamga at pag laki ng ugat o blood vessel sa ibabang bahagi ng rectum at anus o butas ng puwit ang tinatawag na almoranas o sa ingles ay hemorrhoids o piles. Nangyayari ito bunga ng paulit ulit na pressure sa bahaging ito ng katawan ng pasyente. Ang karaniwan ng tinutukoy na pagkakaroon ng almoranas ang madalas na pwersadong pag dumi dulot ng constipation o kaya ay dahil sa maluhang diarrhea na nararanasan ng pasyente. Ang pagsasagawa ng anal intercourse ay maari ding pagmulan ng almoranas.

Ang pagkakaroon ng colitis o ang pamamaga ng colon ng bahagi ng large intestine na umaabot hanggang sa rectum ay isa rin sa maaring sanhi ng almoranas. Sa panahon ng pag bubuntis ay maaring makaranas ding ng pagkakaroon ng almoranas ang mga babaeng mag sisilang ng sanggol. Kasama pa rin sa maaaring maging sanhi ng karamdamang ito ang matagalang pag upo, ang pagiging obese o sobrang taba at ang pagkakaroon ng rectal cancer.

Kabilang sa pagkakaroon ng sintomas ng almoranas ay ang nararanasang bleeding sa panahon ng pagdumi ng pasyente at may kasabay na pamumuo ng laman na nararamdaman sa anal opening o sa bungad ng butas ng puwit. Tintawag itong external hemorrhoids. Kaugnay nito ipinapaliwang ng doktor na kung ang pagdurugo kasabay ng pag dumi ay may kasabay na nararasang pagkahilo at panghihina ng katawan ay maari itong epekto ng nauubos na dugo ng pasyente at kailangang isangguni sa doktor.

Ano ang mga makakatulong sa mga pasyenteng may almoranas

Ang balat ng punong akasya ay makakatulong sa taong may almoranas. Maari itong pakuluan sa tamang sukat ng tubig at ipainom sa pasyente 3-4 na baso araw araw. Sinasabi ng mga doktor na may kakayanan ang balat ng puno ng akasya na mapatigil ang pag durugo na nararanasan ng taong may almoranas.

Makakatulong sa iyo ang palagiang pagpapaligo ng maligamgam na tubig upang maiwasan ang pagkairita ng iyong almoranas. Maari mong gamitin ang sitz bath. Ito ay isang maliit na plastic tub na maaring magkasya sa loob ng toilet. Maaari mong ibabad ang iyong buong katawan sa tub na ito. Ayon sa Harvard Health ang pagpapaligo ng 20 minutes after every bowel movement ay talagang epektibo para maibsan ang sakit na dulot ng almoranas. Lagyan ng Epsom salt ang maligamgam na tubig na iyong papaliguan. Makakatulong ito na mas madaling maghilom ang iyong almoranas.

May tinatawag naman na thrombosed external hemorrhoids kung saan nag kakaroon ng pamumuo ng dugo o blood clot sa loob ng ugat na nagiging sanhi ng pananakit at pamamaga. Samantala ang tinatawag na internal hemorrhoids ay namumuo sa loob ng lining ng rectum at hindi kaagad mararamdaman hanggang hindi pa ito bumamababa sa loob ng butas ng puwit, na nag dududlot ng pananakit at makating pakiramdam.

Sinsabi ng doktor na sa holistic approach ng paggagamutan kailangang na gawing hydrating o mayaman sa sabaw at tubig ang pang araw araw na diet ng pasyenteng may roong almoranas. Makakatulong din ang pagkain ng makakatas na prutas. Kailangan ding mapababa ang temperature ng mga pasyenteng may almoranas sa tulong ng hydrating diet upang maging mas mabilis ang paghupa ng pamamaga ng affected area. Kailangan ding iwasan ang pag kunsumo ng lahat ng mamantikang pagkain at lahat na maaanghang na pagkain na ayon sa mga doktor ay nagpapalubha sa kondisyon ng nasabing karamdaman.

Karaniwan ng ipinapayo ng mga doktor ang rectal steaming procedure bilang natural na operasyon para sa agarang pag galing ng almoranas. Kailangan lamang mag pagkulo ng pinaghalong 3 basong tubig at 1 basong suka. Matapos na kumulo ang mixture na tubig at suka ay isalin ito sa maliit na balde o di kaya sa mataas na orinola na may rubber protection sa palibot ng labi nito upang hindi mapaso ang pasyente. Dito uupo ang pasyente sa loob ng 30 minuto tatlong beses sa loob ng isang araw.

Makakatulong din ang pag inom ng tsaa na galling sa dahon ng halamang serpentine upang malabanan ang impeksyon ng almoranas. At para malunasan ang pagkirot na nararanasan ng pasyente ay ipinapayo ang pag inom ng mga herbal supplement.

Ang pagkakaroon ng almoranas ay dulot ng init sa katawan kaya kailangan na pa preskuhin ang katawan.

Totoo ba na ang pagkain ng maaanghang na pagkain ang pinag mumulan nag almoranas?

May mga nagsasabi na ang pagkain ng maanghang na pagkain ang pinagmumulan ng almoranas. Totoo ba ito? Hindi. Hindi totoo na ang pagkain ng maanghang na pag kain ang pinagmumulan ng almoranas pero totoo na ang pagkain ng maanghang na pag kain ay makapagpapalala ng ating almoranas. Dahil ang maaanghang na pagkain ay nagdudulot ng constipation at diarrhea kaya kung hirap ka sa pag dumi ang almoranas mo ay lalong mamaga at lalong lalala.

Totoo ba na nasa lahi ang pagkakaroon ng almoranas?

Totoo na kapag ang magulang ng pasyente ay mayroong almoranas, mas mataas ang posibilidad na pagkaroon din siya ng almoranas kumpara sa mga normal na tao na ang mga magulang ay hindi nag karoon ng almoranas.

Nagsisimula ang almoranas kung nahihirapan ka sa pag dumi. Dahil ito sa hindi tamang diet o ang tinatawag na low fiber diet at mahinang pag inom ng tubig. Ang pag inom ng maraming tubig ay makakatulong upang maging madali at maging malamabot ang iyong pag dumi. Kung hindi mo uugaliin ang pag inom ng tubig araw araw lagi kang mahihirapan at makakaramdam ng sakit sa tuwing ikaw ay dudumi. Maraming benepisyo ang pag inom ng maraming tubig hindi sa almoranas mo. Makakatulong din ito na malinisan ang mga toxin sa loob ng katawan mo. Kaya kung uugaliin mong uminom ng maraming tubig araw araw, maiiwasan mo ang mas malalang mga sakit.

Kapag hindi pa gaanong malala ang almoranas maaaring maibsan ang pamamaga sa pamamagitan ng pag pahid ng hydrocortisone cream o mag pahid ng dagta ng aloe vera ang aloe vera ay may anti-inflamatory properties na talagang epektibo sa mga namamagang kondisyon ng balat. Kung susundin mo ang mga pamamaraan ng pag gamot na nabasa mo sa artikulong ito ay magiging mas madali ang iyong pag galling.

KATULAD NA MGA ARTIKULO

Related posts