Usaping Almoranas. Ano Ang Almorans? Paano Ito Maiiwasan? Almoranas Sintomas

Usaping Almoranas. Ano Ang Almorans? Paano Ito Maiiwasan? Almoranas Sintomas

Isang kondisyon na madalas ayaw pag-usapan? Almoranas.

Hindi pa rin alam ng mga eksperto ang tiyak na sanhi ng almoranas. Maari itong sanhi ng matinding pressure sa bahagi ng puwet, o hindi kaya ay dahil sa ibang risk factors na naka-ugnay rin sa almoranas gaya ng matagal na pag-upo, obesity, low-fiber diet, constipation, o diarrhea.

Madalas mga adults edad 45-65 ang apektado ng almoranas ngunit, maari din makaranas nito ang mga bata. Mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng almoranas ang mga lalaki pero tumataas din ang posibilidad sa kababaihan lalo na tuwing siya ay nanganganak.

Sa Europa at Timog Amerika, tinatayang 75% ng adults ay may almoranas.

Tinatayang kalahati ng mga taong edad 50 pataas ay nakaranas na ng higit isa sa mga almoranas sintomas gaya ng pananakit ng bahagi ng puwet, pangangati, pagdurugo, at maging paglabas ng almoranas sa puwet.

Ano ang almoranas?

Ang almoranas (Hemorrhoids) ay tumutukoy sa namamagang ugat sa anal canal o sa puwet. Ito ay masakit ngunit, hindi naman malubhang sakit.

Ang mga ugat na namamaga sa loob ng puwet ay nagdudulot ng Internal Hemorrhoids. O kaya ay maari din itong mamaga malapit sa bukasan ng puwet at maging External Hemorrhoids. Maaring sabay na magkaroon nito. Ang sintomas at gamot sa almoranas ay depende kung anong uri ng almoranas ang iyong nararanasan.

Marami na ang nakaranas at nagkaroon ng almoranas sa kanilang buhay.

Ano ang dahilan o sanhi ng almoranas?

Madalas nabubuo ang almoranas dahil sa matinding pressure sa mga ugat sa bahagi ng puwet at pelvic area. Kapag matindi ang pressure, naiipon ang dugo sa mga ugat, dahilan para mamaga ito. Sa katagalan, mababanat ng namamagang ugat ang nakapaligid na tissue at magkakaroon ang almoranas.

Ang iyong Bowel habits ay nakaka-apekto rin sa posibilidad na magkaroon ka ng almoranas. Gaya ng mga sumusunod:

  • Pagmamadali na mailabas ang dumi. Ang pagmamadali at pagpuwersa na mailabas ang dumi ay nagbibigay ng matinding pressure sa mga ugat sa puwet.
  • Madalas na diarrhea o constipation. Maaring maging sanhi ng dagdag na pressure sa anal canal.

Ang ilan pa sa mga bagay na maaring maging sanhi ng almoranas ay:

  • Pagiging overweight o obese. Ang labis na katabaan ay nagdudulot ng matinding pressure sa tiyan, balakang, at maging sa mga ugat sa bahagi ng puwet.
  • Panganganak. Nagkakaroon ng hormonal changes tuwing buntis ang isang tao. Tumataas ang blood flow sa may balakang at ang lumalaking fetus ay nagdudulot para tumaas ang pressure sa blood vessels. Habang nanganganak, maaring magkaroon ng almoranas dahil sa matinding pressure sa anal area habang inilalabas ang bata.
  • Iba pang karamdaman. Halimbawa, ang sakit sa puso at atay ay sanhi para mamuo ang dugo sa may tiyan at balakang, nagpapamaga ito sa mga ugat.

Ano-ano ang mga sintomas ng almoranas?

Pagdurugo tuwing dumurumi, pangangati, at pananakit sa bahagi ng puwet ang karaniwan sa mararanasang almoranas sintomas.

External Hemorrhoids

Ang pananakit sa may puwet ay madalas nararamdaman ng taong may external hemorrhoids. Ang dugo ay maaring mamuo at maging masakit na bukol. Ito ay tinatawag na thrombosed o clotted hemorrhoid. Maari ka rin makakita ng dugo sa toilet paper pagkatapos mo maglabas ng dumi.

Internal Hemorrhoids

Ang pinaka-karaniwang sintomas ng Internal hemorrhoid ay pagdurugo. Maaring makakita ng dugo sa iyong dumi, sa toilet paper na iyong ginamit o hindi kaya ay dugo sa toilet bowl pagkatapos dumumi.

Ilan pa sa mga sintomas ng Internal hemorrhoids ang sumusunod:

  • Pangangati. Ito ay madalas inirereklamo ng mga taong may Internal hemorrhoids. Ang Internal hemorrhoids ay gumagawa ng mucus dahilan para mairita at mangati ang bahagi ng puwet.
  • Iritasyon sa balat. Ang malalaking almoranas sa puwet ay naglalabas ng mucus, sanhi upang makaramdam ng kaunting iritasyon.
  • Kirot. Bagama’t kakatapos lamang maglabas ng dumi, mabilis na makakaramdam ng pangangailangang muling maglabas. Ang pakiramdam na ito ay dulot ng naka-umbok na almoranas sa dulong bahagi ng large intestine (anal canal). Kalimitan, kapag mas malaki ang almoranas, mas matindi rin ang dala nitong kirot.
  • Pananakit. Madalas ang Internal hemorrhoids ay hindi masakit ngunit, ang malalaking almoranas na naka-umbok sa puwet ay maaring sumakit kapag ito’y namaga at naipit ng muscles na nagko-kontrol sa puwet. Ang matinding pananakit ay senyales na napuputol ang blood supply sa almoranas (strangulated hemorrhoid). Nangangailangan ito ng agarang lunas.

Pagdurugo, pananakit, at mga pagbabago sa pagdumi ay maaring sintomas din ng colon, rectal, o anal cancer. Ang mga taong may ganitong sintomas, lalo na ang nasa edad 50 pataas o kaya ay may kapamilya ng mayroong kasaysakayan ng cancer, ay nangangailangan na kumunsulta sa kanilang doctor.

Ang ibang karamdaman ay maaring magpakita rin ng almoranas sintomas.

  • Anal fissure o anal fistula
  • Anorectal abscess.
  • Colon polyp.
  • Inflammatory bowel disease, lalo na ang Crohn’s disease.
  • Rectal prolapse.

Iba’t ibang Risk factors ng Almoranas

Ugali sa pagdumi, physical stresses, at iba pang condition ay maaring magpataas sa posibilidad na magkaroon ng almoranas o hindi kaya ay mas mapalala ito. Ilan sa mga factors na ito ay maaring maiwasan.

Mga bagay na nagpapataas ng risk

  • Constipation o diarrhea na hindi nawawala. Ang ganitong kondisyon ay nagpapahirap sa paglabas ng dumi.
  • Pagiging overweight o obese.
  • May kasaysayan ng almoranas ang pamilya.
  • Edad 50 pataas. Kalahati ng mga taong nasa edad 50 ay nangangailangan ng lunas para sa almoranas.
  • Buntis o dati ng nanganak. Habang lumalaki ang fetus, tumataas din ang volume ng dugo at pressure sa balakang. Ang matinding pag-ire habang nanganganak ay maaring dahilan upang magkaroon ng almoranas o kaya ay mas palubhain ito.
  • Sakit sa atay o puso. Ang ganitong mga kondisyon ay sanhi upang mamuo ang dugo sa may balakang at tiyan.

Mga bagay na nagpapalala sa Almoranas

Ang Almoranas ay maaring palalain ng:

  • Matagal na pagtayo o pag-upo. Ito ay maaring maging sanhi upang pumunta ang dugo sa anal area at tumaas ang pressure sa ugat.
  • Madalas na pagbubuhat ng mabigat na bagay o pagpipigil ng hininga tuwing nagbubuhat. Ang gawaing ito ay nagdudulot ng biglaang pagtaas ng pressure sa blood vessels.

Paano maiiwasan ang Almoranas?

Malaki ang magagawa mo para maka-iwas sa nakakainis at masakit na mga almoranas sintomas.

Iwasan ang Constipation

  • Isama ang prutas, gulay, beans, at whole grains sa iyong diet araw-araw. Ang mga pagkaing ito ay mataas sa fiber.
  • Uminom ng maraming tubig, sapat upang maging malinaw gaya ng tubig o kaya ay light yellow ang iyong ihi.
  • Mag-ehersisyo araw-araw. Subukan na magkaroon ng moderate activity ng higit 2 ½ oras sa isang linggo o kaya ng vigorous activity ng higit 1 ¼ oras sa isang linggo. Subukan din na maging aktibo ng higit 10 minuto araw-araw.
  • Uminom ng fiber supplement gaya ng Citrucel o Metamucil, araw-araw kung kailangan. Basahin at sundin ang lahat ng nakasulat sa label nito.

Magkaroon ng Healthy bowel habits

  • Pumunta agad sa banyo kapag naramdaman na ang pangangailangan dumumi.
  • Huwag pilitin dumumi. Mag-relax at hayaang natural itong lumabas.
  • Huwag pigilan ang hininga tuwing dumudumi
  • Iwasan ang pagbabasa habang naka-upo sa bowl. Tumayo agad pagkatapos.

Ayusin ang iyong Daily Activities

  • Iwasan ang matagal na pag-upo at pagtayo. Subukan maglakad-lakad.
  • Kung maari, iwasan ang madalas na pagbubuhat ng mabibigat na bagay. Kung ikaw ay magbubuhat, laging mag-exhale at huwag pipigilan ang iyong hininga.
  • Kung ikaw ay buntis, ang pagtulog patagilid ay nakakatulong para mapababa ang blood pressure sa iyong balakang. Ito ay makakatulong para maiwasan na lalo pang lumaki ang almoranas.

KATULAD NA MGA ARTIKULO

Related posts