Almoranas Complications: Mahahalagang Kaalaman

Almoranas Complications: Mahahalagang Kaalaman

May almoranas ka ba? O, may kakilala kang mayroong sakit na ganito? Siguradong nakapagsaliksik ka na ng mga sanhi at posibleng lunas para sa karamdamang ito. Maging ang mga posibleng operasyon, tradisyonal na paggamot at home remedy, marahil, ay napag-aralan mo na. Subalit, may alam ka na rin ba tungkol sa almoranas complications?

Ito ang isa sa mga pinakamahalagang kaalamang dapat mayroon ka. Una muna, dapat alam mo na ang almoranas ay binubuo ng mga balat, ugat at malalambot na laman na napumapalibot sa puwit at tumbong ng isang tao. Ang sakit na ito ay umaatake kapag nagkakaroon na ng pagdurugo, pagkirot, at paglabas ng namagang ugat sa butas ng puwit o labasan ng dumi. Lahat ng tao ay may posibilidad ng magkaroon ng sakit na almoranas. Kaya naman mahalagang malaman natin ang posibleng magiging komplikasyon kapag nagkaroon ng karamdamang ito.

Almoranas complications: posible nga bang maranasan?

Marami nang mga naglabasang pananaliksik o pag-aaral hinggil sa sakit na almoranas. Hindi na rin mabilang ang mga lunas na maaaring ilapat sa sakit. Subalit halos walang malinaw o detalyadong almoranas complications na makalap. Ito marahil ay, dahil sa, ang sakit na almoranas ay nalulunasa at hindi delikado sa buhay ng tao. Bagama’t lumalala, mayroong angkop na gamot ang sakit na ito, internal man iyan o external.

Hindi talaga dapat mag-alangan sa almoranas complications lalo na’t ang almoranas, kadalasan, ay kailangan lamang ng lunas kung may nakikita nang evident na sintomas. Kung bahagya lamang ang mga sneyales na nararamdaman o nakikita, may mga simpleng lunas na puwedeng gawin gaya ng pagkain lamang ng mga pagkaing sagana sa fiber tulad ng gulay, prutas at oatmeal.

Hindi rin naman makapagdudulot ng kahit anong komplikasyon sa almoranas ang pagpahid ng ointment lalo na’t ito ay isa sa pinakamabilis na gamot para maibsan ang pagkirot at pangangati sa may puwitan. Ang mainam pa dito, madaling mabili ang ointment dahil ito ay available over-the-counter. Sadyang bihirang makaranas ng almoranas complications lalo na’t karamihan sa mga pamamaraan ng paggamot ay hindi masakit at hindi na kinakailangan pa ng operasyon.

Marahil, ang pinaka- magiging komplikasyon na sa paggamot ng almoranas ay sanhi ng pagtanda o sobrang pagkabata. Maaaring ang edad ay makaapekto sa kung paano mag-react ang pasyente sa lunas na inilalapat sa kaniya. Ang ointment ay puwedeng maging masyadong matapang para sa balat ng isang batang may almoranas. Allergic reaction ang maaaring maging komplikasyon nito.

Pinaka-karaniwang almoranas complications

Katulad ng nabanggit, ang mga almoranas complications ay bihirang-bihira kung mangyari. Kung mayroon man, narito ang mga pinaka-karaniwang komplicasyong maaaring maranasan:

  • Matinding kirot o pananakit ng puwit dahil sa sobrang pag-iri dahil hirap lumabas ang dumi
  • Pangangati at pamumula ng paligid ng puwit
  • Pagdurugo – ang kompikasyong ito ay maaaring nakaaalarma ngunit madalang lang makapagdulot ng mas matindi pang negatibong epekto kagaya ng anemia
  • Nakapagdudulot ng komplikasyong may kinalaman sa kalinisan sa katawan ag sakit na almoranas. Ang parte ng puwit na apektado ng sakit ay may nagiging mahirap linisin lalo na pagkatapos dumumi
  • Ang poor hygiene sa paligid ng puwitan ay maaaring magdulot ng ilang impeksiyon
  • Anemia – ang lubang pagdurugo ay maaaring magdulot ng defiency o diprerensiya sa iron o anemia. Ito ay maaaring maranasan kapag masyado nang matagal at marami ang dugong nawawala sanhi ng pagdurugong dulot ng almoranas.
  • Thrombosis – ang pamamaga ng ugat dahil sa sakit na ito ay maaaring magdulot ng blood clot na posibleng mapunta sa iba pang bahagi ng katawan. Ang komplikasyong ito ay delikado dahil puwee itong makapagdulot ng madinding sakit dahil sa kakulangan sa sirkulasyon ng dugo.
  • Gangrene – ayon sa pag-aaral, maaaring ma-limitahan ng almoranas ang daloy ng dugo sa paligid ng tissue. Kaya naman nalilimitahan din ang naturang parte ng katawan sa oxygen na kailagnang nito.

Kung babasahing mabuti at iisipin ang mga nabanggit nang almoranas complications, maaaring magdulot ang mga ito ng pag-aalala. Subalit, katulad ng mga nabanggit na, ayon sa mga eksperto, ang mga komplikasyong ito bihirang-bihirang mangyari. Ang mga ito ay mararanasan lamang kung talagang sobrang lala na ng almoranas na nararamdaman.

Kaya nga may mga simplent lunas na inirerekomenda upang hindi na lumala pa ang hemorrhoid. Una na rito ang pag-iwas sa sobrang pag-iri habang dumudumi. Mas mainam din kung uugaliin ang pagkain ng mga pagkaing mayaman sa fiber katulad ng gulay at prutas. Lahat ng ito ay simple lamang ngunit napakalaki ng impact sa pagtugon sa nasabing sakit.

Mas malalim na pag-unawa tungkol sa pagsusuri ng almoranas

Walang detalyadong impormasyong makalap kaugnay ng mga almoranas complications. Ito ay dahilan sa dali ng paggamot o mga lunas na naaangkop ano mang klase ng almoranas mayroon ang isang tao. Ang hemorrhoid o almoranas ay madalas na nasusuri sa pamamagitan ng physical examination. Tinitingnan ng espesyalista ang puwit, maging ang mga pumapalibot na puwedeng masuri na matatagpuan na sa labas, o di kaya, sa bumaba nang almoranas.

Ang pag-e-eksamin ng puwit ay puwedeng gawin upang matukoy ang posibilidad ng pagkakaroon ng tumor sa bahaging ito ng katawan. Hindi lamang almoranas ang maaaring matukoy na sakit sa ganitong klase ng medical test. Ilan sa mga puwedeng masuri dito ang prostate, polypse at pamamaga na may kasamang nana.

Ang pag-diagnose ng almoranas ay hindi puwedeng basta-basta isagawa nang walang angkop na pampakalma. Ito ay dahil sa sakit na mararamdaman, kahit pa madalas, kapag internal hemorrhoid ang nararamdaman, ay wala halos mararamdamang matinding sakit. Kakailanganin ng tinatawag na anoscopy para mapatunayan at makumpirma na ang sakit ay internal o panloob na almoranas.

Ang uri ng pagsusuring ito ay isang tube device na may nakakabit na ilaw sa isang dulo. Ang almoranas diagnosis ay sumusuri ng kung anong klaseng hemorrhoid mayroon ang isang tao. Ang mga klaseng ito ay internal o panloob, at external o panlabas na almoranas. Malalaman sa test na ito na ang sakit ay external hemorrhoid dahil sa masakit na kundisyon. Ito ay posibleng anal tissue o isang almoranas na nasa labas imbes na nasa loob.

Ang pagsusuring ay makakatukoy din naman ng sakit na internal hemorrhoid dahil makikita sa resultang ang mga ugat ay napapabalutan ng tinatawag na columnar epithelium na walang mararamdamang kahit na anong sakit. Napakahalaga talaga ng almoranas diagnosis lalo na’t nasusuri nito ang klase ng sakit na nararamdaman sa puwit at kung gaano na ito kalala.

KATULAD NA MGA ARTIKULO

Related posts