Alamin ang iba’t ibang gamot sa Almoranas na nabibili sa Botika

Alamin ang iba’t ibang gamot sa Almoranas na nabibili sa Botika

Naisip mo na ba kung ano ang pinaka-epektibong gamot sa almoranas na nabibili sa botika? Ito ang tatalakayin natin sa article na ito.

Maraming mga gamot na maaring mabili sa botika o yung tinatawag na over the counter (OTC) medicines. Kaya, sa dami ng gamot na makikita sa botika, ano kaya rito ang pinakaepektibo at pinakamahusay para sa iyong almoranas?

Ayon sa mga pag-aaral, tinatayang 70%-80% ng populasyon sa mundo ay apektado ng almoranas o hemorrhoids(piles). Halos kalahati ng mga taong may almoranas ay nagsimula makaranas ng sintomas ng sila’y tumuntong sa edad na 50. Ang almoranas ay tumutukoy sa pamamaga ng ugat sa may anal canal o sa palibot ng puwet (rectum). Halos lahat ng kaso ng almoranas ay hindi malubha ngunit, ang mga sintomas na kasama nito tulad ng pamamaga, pangangati, pananakit, at pagdurugo ay maaring maging sagabal sa iyong araw-araw na pamumuhay.

May dalawang uri ng almoranas– Internal at External. Ang Internal hemorrhoids ay nabubuo sa loob ng puwet samantalang ang External hemorrhoids naman ay nabubuo sa labas ng puwet. Ang External hemorrhoids ang pinakakaraniwan at ito rin ang nagdudulot ng pinakamalaking abala.

Kabilang sa mga sintomas ng almoranas ang mga sumusunod:

  • Matinding pangangati sa may puwet
  • Iritasyon at pananakit sa puwet
  • Namamaga at makating mga bukol malapit sa puwet
  • Pag-leak o pagtagas ng dumi
  • Nahihirapan at nakakaramdam ng sakit tuwing maglabas ng dumi
  • Dugo sa dumi

Bagama’t ang almoranas ay masakit, hindi ito nakakamatay. Oo, madalas ay tinatago at kinahihiya ang usaping almoranas ngunit, Good News! May mga gamot sa Almoranas na nabibili sa Botika. Mayroon itong iba’t ibang klase gaya ng gels, ointments, creams, pads, suppositories at foams. Para matulungan ka sa iyong problema sa almoranas, narito ang mga epektibong gamot para sa sakit na ito.

Anim na gamot sa Almoranas na nabibili sa Botika

Phenylephrine OTC treatments para sa Almoranas

Ang pinakasikat na brand ng gamot sa almoranas na nabibili sa botika ay ang Preparation H. Ang produktong ito ay kilala sa iba’t ibang pangalan. Halimbawa ay Preparation Hem. Ayon sa report na inilabas ng Drugs.com, ang hemorrhoid cream na ito ay gawa mula sa phenylephrine o epinephrine.

Ang Phenylephrine ay isang decongestant – makikita rin sa mga gamot sa sipon at allergy. Isa itong vasoconstrictor na nagpapaliit sa mga ugat o blood vessels.

Kapag ito’y ipinahid sa almoranas, pinapaliit ng phenylephrine ang mga ugat sa puwet. Ito’y nagbibigay ng panandaliang ginhawa mula sa pangangati ngunit, hindi nito lubusang ginagamot ang almoranas.

Dagdag pa ng Drugs.com, ang mga pasyenteng may high blood pressure at umiinom ng mga antidepressants ay hindi dapat gumamit ng phenylephrine. Ang mga buntis at mga inang nagpapa-suso ay hindi rin dapat gumamit ng produktong ito.

Hydrocortisone acetate cream, suppositories, at foam

Ang Hydrocortisone acetate ay maaring mabili sa uring rectal cream, foam, o suppository. Isa itong corticosteroid na nakakatulong para mabawasan ang pamumula, pamamaga at pangangati. Maaring pumili sa alin man sa tatlo, depende sa iyong personal na gusto.

Lahat ng produkto ay nilalagay sa loob ng puwet. Ang cream at foam ay maaring dahan-dahan na ipahid sa exterior hemorrhoids.

Mahalagang malaman na ang steroid na pinapasok ay dumadaloy sa dugo kaya agad na ipag-alam sa doktor kapag nakaranas na pagdurugo o sintomas ng impeksiyon.

Tucks medicated pads at witch hazel

Ang Witch hazel na ibinebenta sa mga botika ay mula sa distilled extract ng witch hazel plant. Ang Witch hazel ay may sangkap na flavonoids gaya ng quercetin, essential oils, at iba pang plant phytochemicals. Ang natural na witch hazel ay nagtataglay ng tannins, ang mga distilled na witch hazel ay madalas wala.

Ang Witch hazel ay isang mahusay na astringent at antioxidant kaya ito ay isang sikat na produkto para sa acne at kagat ng insekto. Ang Witch hazel din ay maaring magamit sa eczema, varicose veins, at almoranas.

Ang Tucks pads at iba pang katulad na produkto ay mga sterile pads na ibinabad sa witch hazels. Ang mga pads ay tinutupi at nilalagay sa almoranas. Ito’y nagbibigay ng malamig na pakiramdam at dahan-dahang nakakapawi ng iritasyon at pamamaga sa puwet.

Anuice

Ang Anuice ay hindi isang gamot sa halip ay isang aparato o kagamitan na nakakatulong para pansamantalang mabawasan ang pananakit ng internal at external na almoranas.

Ang Anuice ay isang aparato na gawa sa medical grade plastic na may lamang cooling agent. Ang cooling agent na ito ay katulad din ng makikita sa mga “blue ice” cooler o ice chest blocks.

Nilalagay muna ang Anuice sa freezer sa loob ng ilang oras at pagkatapos ay maari itong ilagay sa external hemorrhoid o kaya ay maingat na ipinapasok sa puwet para sa internal hemorrhoids. Ang Anuice ay pinapatagal ng 10 minuto, ilang beses sa isang araw.

Dahil ang Anuice ay nagyeyelo, pinapalamig nito ang bahagi ng puwet na nagdudulot para pansamantalang lumiit ang almoranas.

Marami ang nagsasabi na epektibo ang Anuice sa pagbibigay ng pansamantalang ginhawa sa almoranas. Kung walang budget para bumili nito, maaring gumami ng ice pack bilang alternatibo.

Pramoxine at Tronolane: Mga gamot sa Almoranas na nabibili sa Botika

Ayon sa mga feedbacks, ang pinakamagandang over the counter na gamot sa almoranas ay ang Tronolane, at iba pang produkto na may pramoxine. Ang problema nga lang ay mahirap itong hanapin at madalas ay kailangan bilhin online.

Ang Pramoxine ay nagbibigay ng ginhawa sa sakit at pangangati. Ang iba’t ibang skin irritations na mula sa Poison ivy, kagat ng insekto, rashes, paso, at almoranas ay kayang gamutin ng pramoxine.

Ang Pramoxine ay isang topical anesthetic. Pinipigilan nito ang mga nerve endings sa pagpapadala ng pain signals.

Ito ay maaring bilhin sa uring spray, gel, cream, foam, at liquid. Mayroon din medicated wipes. Ang Pramoxine ay hindi dapat gamitin kung may bukas na sugat.

Ang produktong ito ay “for topical use only”, nangangahulugan na hindi ito pinapasok sa loob ng puwet. Kapag gumamit ng wipes, tupiin ito at patagalin hanggang 15 minuto pagkatapos ay agad din itapon. Kung foam naman ang gagamitin, gumamit ng tissue paper sa pagpahid nito.

Maaring makaranas ng mga side effects mula sa pramoxine gaya ng allergies, pamamaga, pananakit, at iritasyon. Agad na kumunsulta sa doktor kapag nakaranas nito.

Burt’s Bees Res Q Ointment

Para sa mga taong nagnanais ng mas natural na gamot para sa almoranas at pangangati ng puwet. Subukan gumamit ng Burt’s Bees Res Q Ointment.

Ang Burt’s Bees Res Q Ointment ay nagtataglay ng purong European olive oil, beeswax, cocoa butter, wheat germ oil, lavender oil, sunflower oil, lavender extract, rosemary leaf extract, comfrey leaf extract, at iba pang natural oils.

Ang mga halaman na ito ay mayaman sa antioxidants, Vitamin E, at iba pang nutrients na maganda sa balat. Ang Rosemary at comfrey ay kilala bilang skin healing herbs samantalang ang Lavender naman ay isang calming at de-stressing herb.

Ang mga oils o langis ay nakakatulong para mabawasan ang pangangati at iritasyon na dulot ng almoranas at ang mga herbs naman ay gamot sa balat at mga ugat o blood vessels..

Konklusyon

Kung susundin mo ang mga gamot na ito kasama ang healthy at fiber-rich diet, mararamdaman mo ang mabilis na ginhawa at sa katagalan ay walang duda, gagaling ka mula sa almoranas.

KATULAD NA MGA ARTIKULO

Related posts