Paano Mawala ang Almoranas? Surgical Procedures, Home Remedies, at Medicines for Almoranas

Paano Mawala ang Almoranas? Surgical Procedures, Home Remedies, at Medicines for Almoranas

Almoranas o Hemorrhoids, tinatawag din na piles, ay namamagang ugat sa iyong puwet, katulad ng varicose veins. Maraming maaring maging sanhi ng almoranas, madalas hindi ito tiyak. Maaring ito’y dahilan ng pagpipigil ng dumi o hindi kaya ay dahil sa matinding pressure tuwing nanganganak. Ang Almoranas ay maaring nasa loob ng puwet (internal hemorrhoids), o kaya ay mabuo sa palibot ng puwet (external hemorrhoids).

Ang almoranas ay napaka-karaniwan. Halos tatlo sa bawat apat na adults ay mayroong almoranas. Minsan walang anumang sintomas ang nararamdaman ngunit, may mga panahon na makakaramdam ng pangangati, kirot, at pagdurugo.

Paminsan-minsan, maaring magkaroon ng clot o pamumuo ng dugo ang almoranas (thrombosed hemorrhoid). Hindi ito delikado ngunit, napakasakit at minsan ay kailangan pang-hiwain para lumabas ang dugo.

Sa kabutihan palad, maraming epektibong mga pagpipilian, mga medicines for almoranas. Marami ang nakakaramdam ng ginhawa sa pamamagitan lamang ng home treatments at pagbabago sa kanilang lifestyle.

Sintomas

Ang mga sumusunod ay senyales at sintomas ng almoranas:

  • Dugo sa dumi
  • Pangangati at iritasyon sa bahagi ng puwet
  • Pananakit at pamamaga sa palibot ng puwet
  • Bukol sa puwet na sensitibo at masakit (thrombosed hemorrhoid)

Diagnosis

Maaring masabi ng iyong doktor na ikaw ay may external hemorrhoids sa pamamagitan lamang ng pagtingin sa iyong puwet. Kung ikaw naman ay may internal hemorrhoids, nangangailangan dumaan ka sa mga tests at procedures para ma-diagnose ito, katulad ng mga sumusunod:

  • Digital examination. Sa exam na ito, ipapasok ng doktor ang kanyang daliri sa iyong puwet. Kung siya ay may naramdaman na kakaiba gaya ng bukol, nangangailangan ito ng karagdagang examinasyon.
  • Visual inspection. Dahil ang internal hemorrhoids ay madalas masyadong malambot at maaring hindi mapansin sa digital examination, maaring gumamit ang iyong doktor ng anoscope, proctoscope, o sigmoidoscope para makasigurado.

Maaring i-examine ng doktor ang buong bahagi ng iyong colon colon gamit ang colonoscopy kung:

  • Ang mga nararamdaman mong senyales at sintomas ay maaring dulot ng ibang sakit
  • Ikaw ay may risk factor sa colorectal cancer
  • Kung ikaw ay middle-aged na at matagal ng hindi nagpapa-colonoscopy

Treatment

Home remedies sa Almoranas:
Kayang magamot ang pananakit at pamamaga ng almoranas gamit ang home treatments. Madalas, home remedies lang ang kailangan para malunasan ang almoranas.

  • Kumain ng pagkaing mayaman sa fiber. Kumain ng mas maraming prutas, gulay, at whole grains. Ang mga ito ay nagpapalambot sa dumi, at nakakatulong para maging maayos ang pagtunaw ng tiyan.
  • Gumamit ng topical treatments. Maglagay ng mga nabibiling over-the-counter hemorrhoid cream at suppository na may sangkap na hydrocortisone, o hindi kaya’y gumamit ng pads na mayroon witch hazel.
  • Sitz bath. Ibabad ang bahagi ng iyong puwet sa mainit na tubig sa loob ng 10-15 minuto, dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw. Makakabili ng espesyal na kagamitan pang-sitz bath na maaring ilagay sa inidoro para mas maging madali ito.
  • Panatilihing malinis ang bahagi ng puwet. Maligo araw-araw at linisin ang balat sa paligid ng iyong puwet gamit ang mainit na tubig. Iwasan din gumamit ng alcohol-based at perfumed wipes.
  • Huwag gumamit ng tuyong tissue paper. Para mapanatiling malinis ang bahagi ng puwet pagkatapos maglabas ng dumi, gumamit ng wipes o basang tissue paper na walang perfume o alcohol.
  • Ice packs at Cold Compress. Ang paglalagay ng ice pack at cold compress sa iyong puwet ay nakakatulong para mabawasan ang pamamaga nito.
  • Uminom ng oral pain relievers. Maaring uminom ng acetaminophen (Tylenols), aspirin o ibuprofen (Advil, Motrin IB) para panandaliang mawala ang pananakit ng almoranas.

Sa pagsunod sa mga treatments na ito, ang mga sintomas ng almoranas ay maaring mawala sa loob lamang ng isang linggo. Kung patuloy pa rin lumulubha ang almoranas pagkatapos ng isang linggo, kumunsulta na sa doktor.

Medicines for Almoranas

Kung hindi naman malubha ang iyong almoranas, maaring irekomenda ng iyong doktor na gumamit ng over-the-counter creams, ointments, suppositories, o pads. Ang ganitong mga produkto ay nagtataglay ng mga sangkap tulad ng witzh hazel, hyrdocorisone at lidocaine na makakatulong para panandaliang mabawasan ang pananakit at pangangati.

Huwag gumamit ng mga over-the-counter steroid cream ng higit sa isang linggo, maliban lamang kung ito’y rinekomenda ng iyong doktor, dahil ang mga steroid cream ay nagpapanipis ng balat.

External hemorrhoid thrombectomy

Kung may namuo na blood clot (thrombosis) sa external hemorrhoid, hihiwain ng iyong doktor ang almoranas para maalis ang dugo. Kapag napansin na may namumuong dugo, agad ipag-alam ito para maging epektibo ang procedure.

Iba’t ibang maliliit na operasyon:

Kung madalas na dumudugo at sumasakit ang almoranas, maaring irekomenda ng iyong doktor na dumaan ka sa maliit na operasyon. Ang ganitong treatment ay maaring isagawa sa opisina ng iyong doktor o kaya sa outpatient setting. Madalas, hindi ito nangangailangan ng anesthesia.

Rubber band ligation

Ang iyong doktor ay maglalagay ng isa o dalawang maliliit na rubber bands sa base ng internal hemorrhoid para matigil ang blood circulation dito. Matutuyo ang almoras at matatanggal sa loob ng isang linggo. Marami ang nagsasabi ng naging epektibo ang procedure na ito sa kanila.

Ang pagtatali sa almoranas ay maaring hindi komportable at magdulot ng pagdurugo dalawa hanggang apat na araw pagkatapos ng operasyon ngunit, huwag mag-alala dahil madalas ay hindi ito malubha.

Injection (sclerotherapy)

Sa procedure na ito, tuturukan ng chemical solution ang iyong almoranas para paliitin ito. Wala halos mararamdaman na sakit sa prosesong ito ngunit, hindi ito kasing-epektibo ng rubber band ligation.

Coagulation (infrared, laser o bipolar)

Gumagamit ng iba’t ibang techniques gaya ng laser, infrared light, at heat para paliitin ang almoranas.

Ang coagulation ay may kasamang side effects. Kumpara sa rubber band ligation, mas mataas ang posibilidad na magkaroon muli ng almoranas kung coagulation procedure ang gagamitin.

Surgical procedures:

Kung ang ibang procedures at medicines for almoranas ay hindi naging matugampay o hindi kaya’y masyadong malaki ang iyong almoranas, maaring irekomenda ng iyong doktor na dumaan ka sa surgical procedure.

Hemorrhoid removal

Tinatawag din na hemorrhoidectomy. Ang operayong ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pag-alis sa mga tissue na nagdudulot ng pagdurugo. Iba’t ibang techniques ang maaring gamitin ng iyong doktor para maalis ito.

Hemorrhoidectomy ang pinaka-epektibo at kumpletong paraan para magamot ang malubhang at paulit-ulit na almoranas. Ngunit, maaring makaramdam ng mga komplikasyon gaya ng hirap sa pag-ihi na maaring mauwi sa urinary tract infections o UTI.

Marami ang nakakaranas ng pananakit pagkatapos ng operasyon. Ang pag-inom ng gamot ay makakatulong para mabawasan ang sakit. Ang pagligo sa mainit tubig ay makakatulong din.

Hemorrhoid stapling

Ang operasyong ito ay tinatawag na stapled hemorrhoidectomy o stapled hemorrhoidopexy. Pinipigilan nito ang daloy ng dugo sa almoranas. Ito ay ginagamit lamang sa internal hemorrhoids.

Mas mabilis na maka-recover sa hemorrhoid stapling kumpara sa hemorrhoidectomy ngunit, mas mataas ang posibilidad na bumalik ang almuranas at magkaroon ng rectal prolapse – paglabas ng rectum sa puwet. Iba’t ibang komplikasyon gaya ng pagdurugo, hirap sa pag-ihi, at maging sepsis ay kakabit ng operasyon ito.

Kausapin ang iyong doktor para malaman ang pinaka-angkop na operasyon para sa iyo.

KATULAD NA MGA ARTIKULO

Related posts