Mga Sanhi ng Almoranas na Dapat Bantayan!

Mga Sanhi ng Almoranas na Dapat Bantayan!

Ang almoranas ay namamagang umbok sa palibot ng butas ng puwit. Tinatayang mga 50 porsyento ng matatanda ang nakararanas ng mga sintomas ng almoranas sa edad na 50.

Ang almoranas ay maaring makita sa loob at labas ng butas ng puwit. Ang internal hemorrhoids ay tumutubo sa loob ng anus o butas ng puwit o sa rectum. Ang external hemorrhoids naman ay tumutubo sa labas ng butas ng puwit.

Ang external hemorrhoids ang pinaka karaniwang uri ng almoranas, pero hindi naman ito gaanong mapanganib. Ang taong mayroong almoranas ay nakararanas ng sakit, matinding pangagati at hirap sa pag upo. Pero ang sakit na ito ay madaling malunasan.

Ano ang mga sintomas ng almoranas?

Kabilang sa mga sintomas ng almoranas ang mga sumusunod:

  • Matinding pangangati sa palibot ng butas ng puwit.
  • Pakairita at sakit sa palibot ng butas ng puwit.
  • Makati at masakit na bukol malapit sa butas ng puwit.
  • Fecal leakage
  • Hirap sa pag bawas ng dumi.
  • Dugo na maaring makita sa tissue pagkatapos na mag bawas ng dumi.

Kahit ang almoranas ay masakit, hindi naman ito gaanong mapanganib at kadalasan na nawawala ito ng kusa kahit hindi nalapatan ng gamot. Kung mayroon kang almoranas maari kang mag karoon ng sintomas ng anemia, maari kang manghina at maging maputla.

Ano ang dahilan ng almoranas?

Hindi sigurado ang mga eksperto kung ano talaga ang dahilan ng almoranas. Ito ang mga posibleng dahilan.

  • Komplikasyon dahil sa chronic constipation
  • Pag upo ng mahabang oras lalo na kapag nasa toilet
  • Mga kapamilya na mayroon ding almoranas

Ang almoranas ay maaring maipasa ng magulang sa kanyang anak. Kaya kung ang magulang mo ay mayroong almoranas, mas malaki ang posibilidad na mag karoon ka rin ng almoranas. Ang pag bubuhat ng mabibigat na bagay ay isa rin sa maaaring maging sanhi ng almoranas.

Ang pagtatayo ng mahahabang oras na hindi nagpapahinga o na hindi naigagalaw ang katawan ay maaring maging sanhi din ng almoranas kapareho rin kung ikaw ay laging nakaupo ng mahabang panahon. Iwasan ang ganitong mga kaugalian.

Paano masusuri ang almoranas?

Hindi sapat ang visual examination ng butas ng iyong puwit para masuri ang almoranas. Para masigurado ang pagsusuri baka may gawin ang iyong doktor ng ibang pamamaraan upang malaman kung mayroong abnormalidad sa iyong anus. Ang pamamaraang ito ay tinatawag na digital rectal exam. Sa pagsusuring ito gumagamit ang doktor ng glove at ng lubricated finger sa iyong rectum. At pag mayroon siyang nakapang kakaiba maari siyang mag mungkahi ng dagdag pang mga test gaya ng sigmoidoscopy.

Sa sigmoidoscopy gumagamit ang doktor ng maliit na camera upang masuri ang almoranas. Ang maliit na fiber optic camera ay tinatawag na sigmoidoscopy ay kasya sa maliit na tube na maaring ipasok sa iyong rectum. Sa pag susuring ito makikita ng doktor ng malinaw ang iyong rectum at makikita ang iyong almoranas sa pinaka malapit na anggulo.

Ibat ibang mga pamamaraan ng pag gamot sa almoranas

Upang mabawasan ang sakit kailangan magbabad sa maligamgam na tubig ng kahit mga 15 minutes araw araw. Maari rin umupo sa warm water bottle. Kung ang sakit ay hindi makaya maari kang gumamit ng over the counter suppository, ointment o cream upang mabawasan ang pangangati at ang pamamaga.

Marami kang mabibili na mga over the counter ointments gaya ng mga creams, Preparation H sa halos lahat ng drugs store maari itong makabigay ng madaliang lunas. Ang ibat-ibang mga ointment at creams ay nakakatulong na mabawasan ang pamamaga at nakapag papabilis ng pag hilom ng iyong almoranas. Kung gumagamit ka ng cream na may hydrocortisone, huwag gumamit ng lampas sa isang lingo. Maari itong mag dulot ng impeksyon at makakasama ito sa kalusugan mo.

Subukan ang aloe vera. ang aloe vera ay may anti-inflamatory properties na talagang epektibo sa mga namamagang kondisyon ng balat. Maari kang makakuha ng aloe vera sa mismong tinataniman nito. Maari ka ring makabili ng aloe vera gel sa mga drugstores. Pero ang kailangan mo lamang ay ang purong aloe vera gel sa iyong almoranas. May mga tao naman na allergic sa aloe vera kaya maaring subukan ito at hintayin kung ano ang magiging resulta. Kung may makita kang kakaibang reaksyon pagkatapos mong mag lagay ng aloe vera, maari mong itigil ang pag gamit nito.

Gumamit ng mga fiber supplement. Ang pag gamit ng fiber supplements gaya ng psyllium ay makakatulong na mabawasan ang constipation at nagpapalambot ang dumi. Kaya naman ang pag gamit ng mga supplement na ito ay nakakatulong na maging mas madali ang pag dumi at dumumi ng walang sakit na nararamdaman. Marami sa mga supplement na ito ang mabibili gaya ng capsules, powder at liquids. Maari mong ilagay ang mga ito ng isa haggang tatlong beses sa isang araw.

Ang pag kain ng mga pagkain na mayaman sa fiber ay makakatulong na maiwasan ang almoranas

Mga pagkain na mayaman sa fiber:

  • Whole wheat
  • Brown rice
  • Oatmeal
  • Pears
  • Carrots
  • Buckwheat
  • Bran

Malaki ang maitutulong ng tamang diet upang maging malambot ang iyong dumi.

Panatilihin na malinis ang iyong katawan. Ang araw araw na pag linis ng iyong anus sa maligamgam na tubig pag katapos mong maligo ay makakatulong na hindi lumala ang iyong almoranas. Huwag gumamit ng sabon upang hindi mairita ang iyong almoranas iwasan din ang pag gamit ng tuyong toilet paper pag katapos na mag bawas ng dumi.

Ang pag inom ng maraming tubig ay makakatulong upang maging madali at maging malamabot ang iyong pag dumi. Kung hindi mo uugaliin ang pag inom ng tubig araw araw lagi kang mahihirapan at makakaramdam ng sakit sa tuwing ikaw ay dudumi. Maraming benepisyo ang pag inom ng maraming tubig hindi sa almoranas mo. Makakatulong din ito na malinisan ang mga toxin sa loob ng katawan mo. Kaya kung uugaliin mong uminom ng maraming tubig araw araw, maiiwasan mo ang mas malalang mga sakit.

Para hindi na lumala ang iyong almoranas sundin ang mga iminungakahi ng artikulong ito. Sa tamang pamamaraan ng pag gamot makikita mo ang magagandang mga resulta. Sunding maigi ang mga ipinapayo ng iyong doktor upang maging mas madali ang iyong pag galling.

KATULAD NA MGA ARTIKULO

Related posts